LOTC 46

19 0 0
                                    

*Bravery

"Dara kung ano man ang balak mo huwag mo na ituloy,"sambit ni Zadkiel. 

"At bakit hindi? Marami na kayong nilolokong tao. Ano idol mo si Dad? Forever mong isi-secret ang pagkatao mo? O napipilitan ka lang talaga sa baklang 'yan dahil ginayuma ka niya?"

Napakunot na lamang ang noo ko sa mga sinasabi niya. Kailan ba magkakaroon ng character development ang babaitang 'to? Mula umpisa e wala na siyang ginawa kundi ang mangialam sa lahat ng bagay. 

"Dara," sigaw ni Zadkiel nang tumakbo ito papasok sa restaurant. Mukhang wala ng makakapigil sa bruha na i-reveal ang relasyon namin. 

 Agad kaming tumakbo papasok sa restaurant para pigilang ang pagiging bida-bida ni Dara. Naabutan namin si Dara na kausap na ng parents ni Zadkiel.

"Okay lang po ako pero sa ngayon may dapat kayong malaman," iyon ang naabutan naming sinabi ni Dara. 

"Tungkol saan?"tanong ni Tita Mona.

"Tungkol sa'min,"nagulat ako nang biglang magsalita si Zadkiel. Hinawakan niya ang isa kong kamay at lumapit sa parents niya. Kita ko naman ang naguguluhang mukha ng parents ni Zadkiel. Samantalang hindi na nakapagsalita si Dara dahil sa ginawa ni Zadkiel. "Chace Yadler is not just a friend of mine. He's my boyfriend."

"What?"gulat na tanong ng Dad niya. Hindi ko akalaing gagawin ni Zadkiel ang bagay na ito. So dapat na ba akong magpasalamat kay Dara dahil siya pa yata ang nag-trigger kay Zadkiel na gawin ang bagay na ito. O isa na rin sa dahilan ang pagtatalo namin kanina.

"Sabihin mong pina-prank mo lang ako anak. Hindi ka gano'n. Imposibleng..."

"Totoo po ang sinabi ko Mom. At alam kong magiging ganyan ang reaksyon niyo oras na sabihin ko sa inyo ang totoo kaya tumagal pa ng ilang buwan bago ako nagkalakas ng loob na aminin sa inyo."

Hindi ako makatingin nang diretso sa kanila. Pakiramdam ko ay kung ano-ano na ang iniisip nila ngayon sa akin matapos sabihin ni Zadkiel ang relasyon namin.

"Tita hindi naman ganyan si Zadkiel noon di ba? Kasalanan ng baklang 'yan kung bakit naging ganyan siya. Palibhasa lagi silang magkasama baka kung ano ng pinakain niya sa anak niyo."

"Shut up  Dara!" Inis na bulyaw ni Zadkiel. Masyado kasing paepal ang babaeng 'to. Kanina pa ako gigil dito e. Kung hindi lang talaga namin kaharap ang parents ni Zadkiel baka kanina ko pa ito sinubsob sa sahig.

"Anak baka naguguluhan ka lang."

"No Mom totoo ang nararamdaman ko,"tugon ni Zadkiel.

"Stop this nonsense, Zadkiel Jude! Mas makakabuti kung ititigil niyo na ang kung anong meron kayo ng taong 'yan! At ikaw hijo pakiusap layuan mo na ang anak mo. Isa siyang Villarazon at hindi ka nababagay sa kanya. Alam kong lalaki ang anak ko at hindi ang tulad mo ang nararapat niyang mahalin." 

Nang marinig ko ang mga salitang binitiwan ng Dad ay bumalik lahat ng naiisip ko noon. Lahat ng doubts, insecurities at kung ano-ano pang negative thoughts sa utak ko. Alam ko naman na posibleng ganito ang maging reaksyon nila pero ang sakit-sakit pala kapag naririnig mo na talaga. Para bang ang mga salitang binibigkas niya ang matatalim na kutsilyo na paulit-ulit sumaksak sa puso ko.

"Kahit ikaw ang tatay ko wala ka pa rin pong karapatang mamili sa kung sino ang dapat kong mahalin. Buo na po ang desisyon ko noon pa. Kilala ko na po ang totoong ako. Isa akong bisexual at mahal ko si Chace Yadler."

Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisnge. Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya para idampi ang labi niya sa akin. Sa mga sandaling ito ay wala na akong maramdaman pang kahit na ano. Parang tumigil ang mundo at ang tanging nararamdaman ko ay ang malambot niyang labi na nakalapat sa labi ko. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ko, hindi na ito ordinaryo. Hindi ko magawang kiligin lalo at nasa harap kami ng parents niya. 

"What the hell," sigaw ng Dad ni Zadkiel. Agad naming pinaghiwalay ang aming mga labi at muling humarap sa kanila. Kita sa mukha nila ang labis na pandidire sa amin. Pati na ang ibang tao sa paligid ay pinagtitinginan na kami. May ilan pang nag-video sa ginawa namin. Muling hinawakan ni Zadkiel ang kamay ko at hinila na ako palabas ng restaurant.

***

Nakayakap ako ngayon kay Zadkiel. Nandito na kami ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Nakaunan ako sa braso niya. Tulog na si mudra kaya hindi na namin siya ginising pa kanina. First time kong madala si Zadkiel dito sa kwarto ko. 

"Paano na 'yan?"

"Hindi ko alam kung paano ko ulit haharapin ang parents ko. Pero ang mahalaga sa'kin ngayon ay kasama kita."

"Thank you kasi mas pinili mong ipaglaban ako kaysa sundin ang gusto ng parents mo."

Sobrang 'di ko inaasahan ang ginawa niya kanina. 'Di ko akalaing magagawa niya 'yon sa harap ng parents niya. Natuwa ako dahil naging matapang na siya para sa amin pero naaawa ako dahil mukhang magiging dahilan pa ang relasyon para malayo siya sa pamilya niya.

"Matagal akong naduwag at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na gawin ang bagay a iyon. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga mahal kita."

Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na boyfriend ko ang poging 'to. Buong buhay ko tanggap ko na imposibleng mahalin ako ng isang lalaki katumbas ng pagmamahal ko sa kanya. Pero ito ngayon mismong crush ko pa ang naging jowa ko. Pakiramdam ko nga ay panaginip lang lahat ng nangyayari ngayon. Baka ilang sandali na lang at may tatapik na sa'kin para gisingin ang natutulog kong diwa. 

"Zadkiel kamusta si Ozzy may balita na ba tungkol sa kalagayan niya?" Bigla ko kasing naalala si Ozzy.  Ilang buwan na rin ang lumipas nang ma-comatose at dalhin siya sa ibang bansa. Naalala ko tuloy ang huli naming pag-uusap noon. Ano kayang reaksyon kapag nalaman niyanga boyfriend ko na ang pinsan niya. 

"Ang totoo mas nagiging okay na siya. Baka magising na rin siya anytime soon."

"Babalik pa ba sila dito sa Pilipinas?"

"I'm not sure e. Bakit miss mo na ba siya? Dapat na ba akong magselos?"

Bumitaw muna ako sa pagkakayakap at hinawakan ang pisnge niya. Ngumiti ako sa kanya bago muling magsalita.

"Siyempre concern lang ako bilang kaibigan. Saka ano ka ba wala kang dapat ikaselos dahil ikaw lang ang mahal ko noon pa man. Siya man ang madalas makasama ko noon sa'yong-sayo pa rin naman ang puso ko."

At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako ready na harapin si Ozzy. Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Kung babalik man siya sana maging okay pa rin kami. Sana ay magbalik pa rin ang dati naming samahan kahit na marami na ang nagbago sa amin.

LOVE OUTSIDE THE CLOSET













Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon