LOTC 68

7 1 0
                                    

*HelloOrGoodbye


6 Months Later

Naglalakad kami sa malawak na damuhan para dalawin siya. Ngayon na lang ulit kami makakapunta dito dahil sa mga trabaho namin. Hanggang ngayon nga ay tinatanong ko si God kung bakit kinuha siya agad sa amin. Marami pa sana kaming magagawang memories.

"Oy Zadkiel grabe ang pormahan mo a may iba ka na bang nililigawan ha?"
Napangiti ako sa sinabi ni Bridget.

"Wala gagi,"tugon ko na lang.

Hindi na posible 'yon dahil pakiramdam ko si Chace na ang huling mamahalin ko. Nilatag nito ang blanket. Naupo na kami sa gilid ng puntod at inilapag ang mga bulaklak. Nagsindi na rin ng kandila. Mabuti na lang at hapon na kaya hindi na masyado mainit dito.

Ilang sandali pa ay dumating na si Tito Chris dala ang mga pagkain. Napuno lamang ng kwentuhan ang mga sandaling iyon. Masaya ako na makabonding sila kahit pa mga busy sa kanya-kanyang work.

"Tito Rod bakit,"pagsagot ko sa tawag niya.

[Andito 'yong pinsan mo]

"Bakit daw?"

['Di ko rin alam]

"Sige papunta na ako,"sambit ko at dumiretso na sa pagdadrive.

Ilang minuto pa ay nakauwi na rin ako sa bahay ni Tito Rod. Naabutan ko sa sala si Ozzy.

"Oy napadalaw ka bro?"

"Namiss lang kita. Saka sa mga pinagdaanan mo nitong nagdaang buwan gusto kong samahan ka para kahit paano ay gumaan yan." Tinuro niya pa ang tapat ng puso ko.

"So anong plano?"tanong ko.

"Sama ka sa hotel ko may bar don. Inom tayo hanggang magsawa."

"Basta ba libre lahat ng iinumin ko e,"nakangisi kong tugon.

"Oo ba," hindi na ako nagpatagal pa. Sumunod na agad ako sa kanya. Kotse na lang ang gagamitin dahil tinatamad ako magdrive.

Hindi maitatangging napakayaman na talaga ng pinsan ko. Bukod sa ilang branch ng coffee shop ay nakapagpatayo na din siya ng hotel. Balita ko ay si Tita Yvonne ang nagmamanage ng coffee shop at siya na ang bahala dito sa hotel.

OzzY Hotel

Sadyang naka-emphasize ang O and Y dahil pinaghalo 'yong pangalan nila ni Tita. Kung papakinggan ang pangalan parang nickname lang niya pero kapag nakita mo na mismo ang pangalan sa harapan nito ay maiisip mo agad na may iba pang meaning 'yon. Puwede din kasing ang Z ay Zedric ang ibig sabihin. Ah ewan basta nandito kami para maginuman magdamag.

Pagpasok pa lang sa lobby ay makikita agad ang front desk. May mga babae doon na mukhang nga receptionist dito. Hindi ko naman na tiningnan ang kanilang mga suot dahil excited na rin akong uminom.

Dito rin sa ground floor matatagpuan ang bar. May ilang tao na rin ang umiinom at ang iba nga ay sumasayaw na sa gitna. Ang lakas din kasi ng tugtog kaya hindi ka rin lulubayan nito. Mabuti na lang at sound proof itong bar at hindi makakaabala sa mga nakacheck-in. Ang iba nga dito ay sadyang nakacheck-in na gusto lang magpakalasing.

"Bakit hindi mo inaya ang boyfriend mo? Sure akong magtatampo na naman 'yon."

Kahit paano ay nagkaroon na rin kami ng interaction ni Cyrus nitong nagdaang buwan. Mabait naman ito.  Bilib nga ako dahil ilang taon na ang relasyon nila at nananatiling matatag.

"Naku busy 'yon magpa-impress sa Lolo niya."

Nakaupo na kami ngayon dito sa isang mahabang sofa. Nasa isang soundproof room naman kami kung saan nakikita pa rin namin ang mga nagpaparty sa labas. Ito ay VIP room kung na mas mahal kumpara sa mismong bar lang.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon