LOTC 10

55 5 3
                                    


*Request

Linggo ng gabi ako nag-umpisa magtrabaho sa Kape de Razon. Obvious naman na ang razon nila ay galing sa apelyido nila na Villarazon. Natawa nga ako dahil tunog ka-pederasyon iyon. May tagline itong ang coffee shop na 'so many reasons to be here'.

Nahihiya man ay humingi ako ng advanced kay Miss Yvonne. Kailangan ko lang kasi ng panggastos sa pagkain kahit papaano. Pinanggrocery ko na ang kalahati ng pera nang sa gano'n ay hindi na ako gaano mag-isip. Dahil may pagka-mahiyain ako ay pinilit ko lang na lakasan ang loob ko. Kailangan kong mabuhay para sa sarili ko kaya bawal na ang hiya-hiya.

"Thank you Sir,"sambit ko sa isang customer pagkabigay ko ng sukli.

Kahit papaano ay nagiging sanay na ako. May mga kasama rin naman ako na tumutulong sa akin dito kaya hindi ako gaano natatakot.

"Uy sis keri mo ba talagang pagsabayin ang study at pag-aaral mo?"

Naguluhan ako sa sinabi ni Jayza ang bakla kong kasama dito. Kahit ngayon lang kami nagkasama ay panatag na ang loob ko sa kanya. Siguro ganoon talaga kapag nagkakaintindihan kayo sa mga bagay-bagay.

Natapos ang shift namin na puro kwentuhan lang kami dahil wala naman masyadong costumer. Hindi ko maiwasang mahawa sa kadaldalan ni Jayza o Juanito. Natawa nga akong malaman ko ang pangalan niya eh sobrang layo sa gusto niyang itawag sa kanya.

"Bye sissy,"paalam nito habang kumakaway.

"Bye,"nakangiti kong balik.

Ito ang problema ko hindi ko alam kung saan ako sasakay ngayon. Medyo malayo pa naman ang coffee shop na ito sa apartment na tinutuluyan ko. Mukhang matagal pa naman kung mag-iintay pa akong jeep.

Naglakad-lakad na lang ako kahit papaano para hindi ako mainip sa paghihintay ng jeep. Nagulat naman ako nang bigla na lang may bumusina sa likuran ko. Paglingon ko ay makita ko si Zadkiel na sakay ng motor.

"Hatid na kita,"sambit nito. Hinintay ko lang ang paglapit niya sa pwesto ko. Hindi na ako nag-inarte pa at sumakay na agad. Kumapit ako sa balikat niya nang makaayos ng pwesto.

"Salamat ulit talaga grabe sobrang dami mo na naitulong sa'kin." Hindi naman na siya nagsalita pa at nakapokus lang sa daan. Naiilang ako sa katahimikan tuloy tanging tunog ng motorsiklo niya at mga sasakyan sa paligid ang naririnig ko.

Nakahinga lang ako nang makarating na kami sa bahay. Seryoso lang ang mukha niya ngayon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya. Walang katagang nais lumabas sa bibig ko sa mga orasna ito. Para akong naistatwa lang sa kinatatayuan ko.

"First of all hindi mo na ako kailangang bayaran sa mga naitulong ko sa'yo." Nabigla ako nang magsalita na siya sa wakas."sorry ulit sa mga nagawa at nasabi ko sa'yo masyado lang akong nadala ng emosyon ko."

"Okay na napatawad na kita,"tugon ko.

"Thank you,"ngumiti ito sa akin na mas nagpalambot sa puso ko. Mas lalo tuloy lumiit ang mga mata niya dahil sa ngiting iyon.

Maglalakad na muli sana ako papasok sa bahay nang muli siyang magsalita. "Hmmm Yadler may request sana ako sa'yo. Pero promise hindi ito kapalit ng mga naitulong ko sa'yo sapat na iyong kapatawaran mo para maging kuntento ako. Ngayong okay na tayo gusto ko sanang tulungan mo ako kay Bridget. Gusto kong maging okay na rin kami at alam kung ikaw lang ang makakatulong sa akin. Sa lahat ng kaklase natin ikaw ang pinaka-close sa kanya kaya sana pumayag ka."

Muling akong natahimik sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin. Parang biglang nanigas ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Mas lalo lang akong natahimik nang bumaba siya sa motor niya at lumapit sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya bigla ang dalawang kamay ko at tumingin nang diretso sa akin.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon