POV Inside The Closet

14 0 0
                                    

                       

  ZADKIEL

Life is really unpredictable.

Who would have thought that my former rival in love would become my boyfriend? How did this start? The truth is, I can't remember anymore.

Just one day, I woke up with a strange feeling towards him. A feeling that confused my heart. Am I gay? O sadyang wala lang talagang pinipili ang puso kung kanino ito titibok.

Nakakatakot. Nakakalito. Nakakatakot dahil sa oras na malaman ng iba ang tungkol dito baka husgahan ako. Nakakalito kasi hindi ko alam kung totoo ba o ano ang nararamdaman ko. 'Di ko alam ang gagawin noon. Kaya naman pinili ko ang lumayo.

Hanggang isang araw hindi na napigilan pa ng puso ko ang sumabog. Sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. At kagaya ng inaasahan hindi siya naniwala. Pero hindi ako tumigil at pinatunayan ko sa kanya ang nararamdaman ko.

And now we're in a relationship. Pinili naming itago ang relasyon namin sa takot na baka kung ano pa ang mangyari. Lalo na sa mga magulang ko na sobrang homophobic. Si Bridget at Tita Ysay lang ang nakakaalam ng totoo.

Pero sabi nga nila walang sikretong hindi nabubunyag. Isang gabi sa restaurant doon ko inamin ang totoo. Nakakapagod magtago sa lahat. Tama si Chace Yadler kung mahal ko siya dapat hindi na ako matakot na ipagsigawan ang nararamdaman ko para sa kanya. Tama ang kasabihang Love is too beautiful to be hidden in a closet.

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Sinundo ako ng mga tauhan ni Dad kanina sa bahay nila Chace. Bumaba agad ako sa van dahil sa labis na kaba. Nakatayo lang ako sa harap ng gate at hindi alam ang gagawin.

"Pasok ka na sa loob hinihintay ka na ng mga magulang mo,"sambit ng isang lalaking sumundo sa akin kanina.

Kinakabahan ako sa maaaring gawin sa akin ng mga magulang ko. Pero andito na ako kailangan kong ipaglaban ang relasyon namin. Kahit pa magulang ko sila wala silang karapatang kontrolin ako.

"Saju," salubong sa akin ng kapatid ko.  Hindi ko alam kung tanggap ba niya ako o ano.

Naluha ako nang bigla siyang lumapit at yakapin ako."Kuya sorry."

"Sorry saan?"

"Because I'm not the brother you think I was."

"Walang dahilan para mag-apologize ka. Tanggap kita no matter what. Utol kita e."

Ngumiti ako sa kanya. Sana ganito na lang din ang parents ko. Kaso mukhang malabo e. Halata sa reaksyon nila kagabi ang pagtutol.

"Sila Dad?"

"Nasa tabi ng pool kanina ka pa nila hinihintay," sagot nito. Sinamahan niya ako. Habang palapit sa kanila ay abot langit ang aking kaba.

"O mabuti naman at sumama ka,"sambit ni Dad sabay tayo. Nasa tabi niya naman si Mommy na napatayo din kaagad nang makita ako.

Lumapit si Mommy sa akin at niyakap ako."Zadkiel anak."

"Mom tama na."

"Anak bumalik ka na sa amin. Hiwalayan mo na ang baklang 'yon."

"No!" Malakas kong sigaw.

"How dare you. Pinahiya mo na kami kagabi at sapat na 'yon. Itigil mo na ang kahibangan mo anak! Maraming babae ang nagkakagusto sa'yo. Mayaman kagaya natin. Hindi mo kailangan ang taong 'yon."

"Dad wala kang karapatang ituro kung sinong dapat kong maha—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa sampal na iginawad niya sa akin. Napahawak ako sa mukha ko at tumingin sa kanila.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon