LOTC 40

25 3 0
                                    

*TakingRisk

CHACE

Imposible!

Baka panibagong plano na naman 'to ng gagong 'yon. Ngayong dito na rin nag-aaral si Ivan baka gumagawa na naman siya ng paraan para makuhang muli ang atensyon ni Bridget.

Nakakainis argh!

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa higaan ko. Mabuti na lang at tig-isa kami ng kwarto ni mudracles hindi niya makikita ang sitwasyon ko.

"Bakit ako pa? Sa dami ng puwedeng pagtripan niya." Napabulong na lang ako sa aking sarili. Dahil siguro ako ang pinaka-madaling mauto.

Nakakainis bakit ba kasi sinabi niyang mahal niya rin ako. Hindi tuloy ako makatulog. Posible nga ba? Siya? Si Zadkiel Jude mahal ako? Paulit-ulit ko mang paniwalain ang sarili ko na hindi iyon totoo na isa lang iyong prank, may kung ano pa rin sa loob ko na umaasa na totoo ang mga katagang binigkas niya kanina

"Nakshie natulog ka ba? Anyare sa mga mata mo?"

Magkaharap kami ni Mama sa table at napansin niya ang maga kong mata dahil sa pag-iyak kagabi at sa puyat na rin kakaoverthink.

"Puyat lang po ako may ginawa akong assignment,"pagsisinungaling ko.

"Ah sige kain ka na baka ma-late ka,"sambit niya sabay punta sa banyo para maligo. Tutulungan niya pa kasi si Aling Cedes na magluto.

Matapos kumain ay naligo na ako agad at dumiretso pagpasok. Kailangan ko pang maghintay sa pagdaan ng jeep. Minsan ay punuan pa kaya medyo nahihirapan ako. Kailangan talaga maagap ako gumising kaya lang medyo nalate ako ngayon dahil nga sa pag-amin ni Zadkiel kagabi.

"Kanina ka pa tahimik jan," dinig kong saad ni Brid. Naglalakad kami papuntang canteen. Sinamahan ko siya dahil hindi siya nakapag-almusal kanina.

"Sadya naman akong tahimik,"tugon ko.

"Sabagay,"natawa na lang siya at nagpatuloy lang kami paglalakad.

Nang makarating sa canteen ay bumili si Bridget ng isang mangkok na sopas. "Si Ivan ba?"

"Absent siya may aasikasuhin daw,"tugon nito. Nilibre niya ako ng potato chips para hindi siya mailang. Sopas nga sana ang ililibre niya kaso hindi ako pumayag dahil busog pa ako. Sinabi ko lang na potato chips.

Magkaharap kami ngayon sa isang table for two dito sa canteen. Hihintayin ko matapos si Bridget bago kami bumalik. "Alam mo feeling ko may hindi ka sinasabi sa'kin," napatingin ako sa kanya. Mukhang halata nga sa akin na may iniisip ako. Kasalanan talaga ito ni Zadkiel!

"Wa—wala ano namang ii—,"natigilan ako nang may magpatong ng chocolate drink sa ibabaw ng mesa ko.  Speaking of the devil ano naman kayang paandar 'to!

"For you," sambit nito sabay alis. Mukhang hindi pa rin sila nakakapagusap ulit ni Brid. Alam kong hirap din si Brid na i-approach ito dahil nasaktan niya ito noong pinili niya si Ivan kaysa ito.

"Anyare? Bakit may pa-ganon si Mayor?"bakas sa boses niya ang pangaasar.

"Ewan ko te," sambit ko habang nakatingin sa chocolate drink. Ibabalik ko sana kaya lang ang bilis niya naglakad palayo.

Bumalik na rin kami sa room pagkatapos kumain. Pagpasok namin ay nagtagpo ang mga mata namin ni Zadkiel. Nakangiti ito na ara bang ang saya-saya na nabigyan ako ng choco drink. Parang naulit lang yong dati. Hindi ko naman na siya pinansin pa at naupo na lang.

"Ingat ka sis,"paalam ni Brid.

"Ikaw rin,"tugon ko naman. Magkaiba kasi kami ng direksyon na dadaanan kaya hindi kami puwede magsabay. Sumakay na ito sa nakitang jeep. Nanatili naman akong nakatayo dahil wala pang jeep na papunta sa amin.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon