LOTC 27

34 5 0
                                    

*TheEffect

CHACE

Nandito ako ngayon kasama si Jayza. Wala naman masyadong customer kaya chikahan to the max lang kami ngayon. Kilig na kilig nga siya nang ikwento ko ang nangyari kanina. Gusto nga raw niyang sabunutan si Dara.

"Malay mo ma-fall na rin sa'yo si Fafa ZJ."

"Huh?"

"Zadkiel Jude ateng," nakangisi nitong sambit.

"Malabo 'yon," tugon ko agad.

Hindi pa kami matagal magkakilala ni Jayza pero parang nakahanap ako ng kapatid sa katauhan niya. Madalas siya na ang nasasabihan ko ng mga problema at nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit parang biglang naglaho ang samahan namin ni Bridget mula nang dumating si Ivan. Pakiramdam ko ay nawala bigla ang closeness namin na nabuo noon.

"Eh si Bridget ba masaya ba sa jowa niya?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya. Kagaya ng sabi ko sobrang dalang na namin makapagusap ni Bridget. Hindi na rin ako nakakapunta sa bahay nila.

"Si Fafa Ozzy? Balita ko gumala ulit kayo ah."

Napangiti na lang ako bigla nang maalala iyon. Noong isang araw kasi ay pumunta si Ozzy sa bahay ko. Inaya niya ako sa isang amusement park.

"Chace Yadler,"napalingon ako agad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Anong ginagawa niya dito? Aawayin na naman  ba niya ako!

"Dara kung nandito ka para awayin ako please umalis ka na lang."

"Wow masyado ka rin namang feelingera eh noh? How gold digger you are naman para kaibiganin ang magpinsang Villarazon!"

"Please huwag dito," naiinis kong saad. May mga customer kasi sa paligid.

"So follow me at may ipapamukha lang ako sa'yo."

Para matigil na siya ay agad akong sumunod sa kanya palabas. Madilim at tanging liwanag sa bawat poste ng kalye ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Nang tumigil si Dara sa kabilang side ng kalsada ay sumunod ako sa kanya. Ano na naman kayang gusto niyang sabihin. Sawang-sawa na kasi ako mga sinasabi niya sa akin.

"Ano 'yon?"tanong ko nang makalapit ako sa harap niya. Inayos niya ang buhok niya bago muling tumingin sa akin.

"Anong plano mo? Perahan ang mga Villarazon?"

"Wala akong ganyang intensyon!"

"Talaga ba eh bakit all of a sudden bigla kang susulpot sa buhay nila."

"Una sa lahat sila ang lumapit sa'kin."

Ngumiti ito na halatang sarcastic. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya. Wala akong masamang intensyon sa magpinsan. Sincere ang pakikipagkaibigan ko sa kanila at wala akonh pakialam sa yaman nila.

"Ganda mo naman pala, bading."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Saka puwede ba tigilan mo na ako. Wala akong ginagawang masama sa magpinsan at lalo na sa'yo."

"Gusto mo tigilan na kita?"

"Oo please lang."

"Magresign ka sa coffee shop at tigilan mo pakikipagkaibigan sa Villarazon cousins."

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Mahirap ang ipinapagawa niya.

"Hindi ko kaya,"tugon ko.

"So expect nothing but the worst!" Tumalikod na siya at naglakad papunta sa sasakyan niya. Napapikit na lamang ako sa sobrang inis. Bakit ba kasi kailangang umabot dito!

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon