LOTC 21

36 5 1
                                    

*BridgeOfHearts

Chace Yadler

Medyo hindi ko feel ang datingan ng costumer na umorder sa akin. Masyado siyang mayabang at para bang porque barista lang kami ay hindi na niya kami igagalang. Nakailang ulit siya ng order at para bang sinasadya niya lamang iyon.

"Miss Dara andito na po ang order niyo."

Lumapit naman siya sa akin para kunin ang order. Nang mahawakan niya ang order niya ay parang nag-iba ang reaksyon niya. Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil mukhang galit na siya sa akin ngayon.

"Ano 'to?" inis niyang tanong.

"Order niyo po," kinakabahan kong sagot.

"This is not my order!"

"Ano po?"

"Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang. Hindi ito ang order ko palitan mo 'to!"

"Malinaw po na cold brew coffee de razon ang inorder niyo."

"Aba ako pa ang gagawin mong sinungaling!" Nagulat ako nang bigla niyang buksan ang kape at binuhos sa akin. Mabuti na lamang at malamig iyon kung hindi napaso na ako.

"Excuse me Miss sobra naman ata kayo," inis na sabat ni Jayza.

"Deserved niya yan!"

"Dara anong kalokohan 'to," dinig kong boses mula sa likuran ni Dara.
Hindi ko alam kung bakit pamilyar iyon pero napagtanto ko kung bakit nang makita ko ang mukha niya.

Iyong lalaking nagbigay ng pagkain sa akin!

"Excuse me Ozzy kasalanan niya rin kung bakit nangyari sa kanya 'yan."

Ozzy pala name niya!

"Binuhusan mo siya,"sagot nito.

"Ano man ang ginawa ko deserved niya 'yon!"

"Ano bang gusto mong mangyari ha?"

"Wala," inis niyang tugon sabay walk out.

Naiwan naman akong tulala at hindi alam kung paano patutuyuin ang uniform kong kulay sky blue na may logo ng coffee shop at black pants.

"Bro okay ka lang ba?" Natauhan lang ako nang magtanong ang lalaking kaharap ko ngayon.

"Ah-eh -ih-oh-uh ayos lang," napakamot ako sa noo nang marealize ang katangahan ko.

"Mabuti pa umuwi ka na lang," sambit niya.

"Baka po magalit si Miss Yvonne," nahihiya kong tugon.

"Okay kang 'yan ako na bahala magpaliwanag."

"Kakilala niyo po siya?"tanong ko.

"She's my mother," simple niyang tugon.

"Oo te siya yung nakwento ko sa'yo. Pogi 'di ba." Sambit bigla ni Jayza na nasa tabi ko. Parang mas nahiya pa ako sa kanya sa sinabi niya. Ito kasing si Jayza parang normal lang ang mga kilos niya na para sa akin ay big deal na.

"Pero tapusin ko na lang po ilang oras na lang naman eh."

"Are you sure?"

"Yes po," tugon ko.

Natigilan naman siya saglit at tumitig sa akin. Enebe crush ba ako netong si kuya. Wag kang ganyan marupok si ako!

"You look familiar."

"Ah opo ako 'yong binigyan niyo ng pagkain."

"Oh yeah that's you."

"Sige po balik na kami doon," tugon ko.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon