LOTC 02

90 8 2
                                    

*BridgeToYourHeart

Kung sa tingin niya masisindak niya ako, nagkakamali siya! Wala akong pakialam kung masaktan man siya pag nakikita niya kaming magkasama. Gusto kong iparamdam sa kanya ang selos na nararamdaman ko sa tuwing may kasama siyang babae!

Nakahiga ako sa ngayon sa single size bed dito sa kwarto. Nakatingin lang ako sa kisame at inaalala ang mga nangyari kanina. Pagkatapos akong dalhin ni Zadkiel Jude sa jail booth at sindakin ay dumiretso na ako sa room. Wala na akong ganang ituloy pa ang gagawin sana namin sa wedding booth.

Kinabukasan ay text ni Bridget ang bumungad sa cellphone ko. As expected nagtatampo siya dahil hindi ko siya sinipot sa restaurant kagabi. Sobrang wala kasi ako sa mood kagabi eh.

Basta bukas na lang ha. Gala tayo kahit saan. Pra bawi ka na sakin! See you tom!

Iyon ang huling sinabi niya sa text. Akala ko nakaligtas na ako eh may paandar na naman si ate gurl! Well, okay na rin siguro to para lalo mainis si Zadkiel sa'kin! The more na mainis siya the more na lalapitan niya ako. Saka ayokong bigyan siya ng chance kay Bridget! Hindi mahirap ma-fall sa lalaking iyon kaya for sure malaki pa rin ang tyansa na ma-fall si Bridget. Ayokong mangyari yon!

Naisip kong tawagan na lamang si Mama. Kaya lang ayaw nitong makisama eh. Ayon un-attended na naman siya! Nakailang missed calls na ako pero wala pa rin! Kaya naisip kong bumangon na lang . Akala ko makakapahinga na ako maghapon, hindi pa rin pala.

Maya-maya ay narinig kong nagring ang phone ko. Agad ko itong hinagilap. Tumayo na ako sa kama at sinagot ang tawag mula kay Bridget.

[Hello Chace naisip ko dito na lang tayo sa bahay. Mag-movie marathon tayo. Medyo makulimlim kasi and baka umulan pa.]

"Ah eh puwede ba hindi na lang ako tumuloy? Medyo tinatamad kasi ako eh." Honest kong sambit.

[Nubayan hindi mo na nga ako sinipot kahapon tapos ngayon tatanggihan mo pa simpleng request ko. Nagluluto na pa mandin ang tatay ko kasi inaasahan niya talaga ang pagpunta mo.]

Ayon wala na akong kawala. No choice ako kundi pumunta pa rin. Wala pa naman akong payong sakaling umulan nga.

Tinext lang ni Bridget ang address nila. First time ko makakapunta sa bahay nila. And ngayon ko lang mamimeet ang tatay niya. Medyo kinakabahan at excited ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Para po,"saad ko sa tricycle driver. Nandito na kasi ako sa tapat ng gate nila Bridget. Mabuti at madali lang mahanap ito. Medyo malayo pa kasi sa highway ang bahay nila. Nasa subdivision ito at medyo malayo ito kung lalakarin pa.

Nang makapagbayad ay narinig ko na agad ang pagbukas ng gate. "Uy Chace andito ka na pala,"sambit ni Bridget. Nakamaiksing maong short langsiya at simpleng pink shirt.

Lumapit na ako sa kanya at pinasunod naman niya ako sa loob ng bahay nila. "Sige upo ka muna jan ha. Akyat lang muna ako para maligo." Ayon iniwan niya ako sa salas nila. Naupo na lamang ako sa single sofa na nasa bandag likuran ko.

Simple lang ang bahay nila Bridget. Sementado ito at may dalawang palapag. Tama lang ang laki nito. Makikita din sa paligid ang mga picture na nakasabit sa dingding. Mga picture ni Bridget noong bata pa. Yung iba ay kasama ang Dad niya siguro yon at yung iba ay ang nanay niya.

"Oh totoy si Bridget asan?"tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay edad tatlumpo pataas.

"Ah umakyat lang po maliligo." Ngumiti na lamang ako dahil medyo nakaramdam ako ng hiya.

"Toy kuha lang kita ng maiinom. Ano ba gusto mo juice?"

"Kahit ano na lang po,"nahihiya ko pa ring tugon.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon