LOTC 70

10 1 0
                                    

I'm aware that this is hard

With the carping eyes around

But I'll take risks and conquer all the odds

No matter how much pain it'll add

*OutsideTheCloset

Valentines Day na naman at siguradong bawat couple ay may kanya-kanya na namang pakulo sa araw na ito. Naglalakad ako ngayon sa isang park habang pinagmamasdan ang mga naglalandian sa tabi. Wala na silang pinipiling lugar.

Natigilan ako nang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay napangiti ako. May dala siyang boquet of sunflower.

"Flowers for you my soon to be husband,"sambit niya kaya mas napangiti ako.

Kung kanina naiinis ako sa mga nadadaanan ko, ngayon ay nawala na. Isa na rin kasi ako sa kanina. Naalala ko tuloy noon tuwing Valentines ay palagi lang akong mag-isa. Wala akong pakialam sa araw na 'yon. Pero ngayon ito may dahilan na para abangan ko ang February 14.

Tinanggap ko ang bulaklak na bigay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na fiance ko na ang taong 'to.

"Thank you, love."

"Oh saan mo gustong kumain?"tanong niya.

Pumunta lang ako dito sa park para magpahangin pero hindi ko akalaing susundan niya ako. Mabuti na lang at presentable ang suot ko ngayon.

"Okay na ako sa streetfoods,"tugon ko.

Dito na lang sa park ang date namin. Mas gusto ko kasi na simple lang. Saka  ang saya kayang kumain dito sa park. Mahangin din dahil sa mga puno.

"Sige wait mo ako jan,"sabay lakad palayo sa akin. Naupo naman ako sa upuang mahaba na gawa sa bato.

Pakiramdam ko panaginip lang lahat ng 'to sa sobrang saya ko. Noong isang araw lang may pasabog na proposal ang kuya mong Zadkiel. Buong buhay ko never kong naimagine na mararanasan ko 'yon. Kaya ang saya-saya ko na ginawa 'yon ng taong mahal ko. Tiningnan ko ang singsing na nakasuot ngayon sa akin. Itsura pa lang ng bato ay mukhang mamahalin talaga. Naloka nga ako kaya paulit-ulit kong tinatanong si Zadkiel kung magkano tapos hindi man lang niya ako sinasagot. Sabi ko nga ay babayaran ko pero tinatawanan lang niya ako. Mukhang 'di ko afford kaya ganon na lang reaksyon niya.

Ilang sandali pa ay dala na ni Zadkiel ang mga streetfoods na request ko. Kumain lang kami habang nakatingin sa paligid. Nakakatuwang hindi lang kami ang same sex couple na nandito. Meron ding mga gay couple na nasa paligid. May dalawang babaeng sweet na sweet at may dalawang lalaki rin na ganoon. Nakakatuwa dahil paunti-unti nagiging normal na sa bansang ito ang ganitong klaseng relasyon. Siyempre hindi pa rin maiiwasan ang mga taong makitid ang pagiisip. Mga homophobic na feeling santo at santa.

"Zadkiel may gusto sana akong puntahan."

Siguro ito na ang tamang panahon para harapin siya. Gusto ko mang kalimutan ang mga nangyari kailangan ko pa rin talagang harapin ang dahilan nito. Baka sakaling tuluyan nang maghilom ang sugat na ibinaon niya. Umaasa ako na nagsisi na siya sa mga nagawa niya. Hindi ko siya mapapatawad kailanman sa nagawa niya pero ang marinig na humingi siya ng kapatawaran ay sapat na sa'kin.

"Ano 'yon?"

"Gusto kong puntahan ang tatay mo,"tugon ko na agad nagpabago sa expression niya.

"Sigurado ka ba? Huwag na lang kaya."

"Oo sigurado ako. Kailangan kong harapin siya."

Wala naman na siyang nagawa kundi ang samahan ako kung saan nakakulong ang demonyo niyang ama.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon