LOTC 39

20 4 0
                                    

*MutualFeelings

CHACE

Ilang araw na ang lumipas at wala pa ring pagbabago kay Zadkiel. Hindi pa rin niya pinapansin ang beauty ko. Nakakaloka mga marsie!

"Uy nakshie bakit tulala ka jan?"

Napansin na tuloy ni mudracles ang pagiging tulala ko. Ganito ba talaga kalala ang epekto ng isang Zadkiel Jude Villarazon.

"Wala po may naisip lang,"tugoj ko agad.

"Ano yarn ha lovelife ba yarn? Pogi ba?"

Napangiti na lang ako sa mga tanong niya. Nakakatuwa talaga kapag supportive ang mudra ko sa kalandian mo. Iyong hindi mo na kailangang kiligin patago kasi siya pa ang unang magpapaalala sa'yo ng crushie mo. Ganern!

" 'Yong friend ko po kasi hanggang ngayon hindi ako pinapansin. Hindi naman niya sinasabi ang dahilan para sana magawan ko man lang ng paraan."

"Ay sinong friend mo yan at pipingutin ko."

Ngitian ko lang ang tugon ni Mama. Nandito kami ngayon sa sala at nakaupo sa sofa. Nagtatahi ng punda si mudra habang ako'y nakatitig lang sa phone ko. Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko naka-open ito sa isang picture. Picture namin ito ni Zadkiel doon sa probinsya. Namasyal kami noon at ang loka-lokang si Jayza ay nagpresenta na picture-an kaming magkasama. Nakaakbay pa si Zadkiel sa akin habang todo ang ngiti. Tapos ako ay ang awkward ng mukha dahil kinikilig na deep inside.

"Hayaan mo siya nak. Hindi kita pinalaki para maghabol sa boylet ikaw dapat ang hinahabol. Huwag kang magpakapagod dahil lang sa isang lalaki. Marami jan na magmamahal sa'yo."

Nakatutok pa rin siya sa tinatahing punda ng unan habang nagsasalita. Ako naman ay puro si Zadkiel ang iniisip. Hindi ko talaga kasi alam kung bakit siya dedmabels sa'kin. Kung sana binibigyan niya ako ng dahilan e di baka magawa ko pa ng paraan upang mapatawad niya ako. Ang hirap naman kasi ginagawa niya akong si Madam Auring.

"Siyempre naman Ma. Hindi naman porque katunog ng english ng paghabol ang name ko ay isasabuhay ko na."

"Tama yan nak,"nakangisi nitong sambit habang nagtatahi pa rin.

"Ey class," bungad ni Sir Nick sa amin. Siya ang aming adviser ngayong taon. "Gusto ko sanang ayain kayo mamayang hapon sa isang restaurant malapit dito. Magpapakain ako dahil birthday ko."

"Sige Sir,"masigla sambit ni Oliver. Pagdating talaga sa pudams hindi siya papahuli.

"Ay obvious naman yarn,"pang-asar ni Erica. Nagtawanan naman ang iba dahil doon.

"Hoy Erica anong narinig ko kahapon na crush mo 'yong anak ni Sir Nick yiieee,"ganti naman ni Oliver. Nagpunta kasi kahapon dito iyong binatang anak ni Sir at may inihatid na gamit. Kaya ayon kilig na kilig mga kaklase ko pinangungunahan na ni Erica.

"Hoy imbento ka," kunyaring inis pero kilig na kilig namang sambit ni Erica. "Kantahan na lang natin si Sir ng happy birthday."

Agad namang nagsikantahan ang lahat. Ang iba ay may pagpalakpak pa. Sana lang talaga ay kalimutan muna ni Sir ang quiz namin ngayon. Napatingin ako kay Zadkiel na mukhang masaya naman habang kumakanta. Bakit pagdating sa akin parang nagawan ko siya nang matinding kasalanan at hindi na siya makangiti nang ganyan.

"Thank you sa inyo. Pero quiet na class mag-review na kayo para sa quiz natin ngayon. I'll give you 5 minutes. Pero tuloy mamaya ha kung sino gustong sumama."

Bigla namang napawi ang sayang nararamdaman namin dahil doon. "Sir bukas na lang birthday niyo naman,"hirit ng isa naming kaklase.

"Oo nga sir para kwentuhan na lang tayo buong period."

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon