LOTC 55

13 0 0
                                    


Trigger Warning :  violence, gun, death

*Nightmare

"Saan ka magkacollege?"tanong ni Bridget. Nandito siya sa bahay at kumakain kami ng meryenda na gawa ni Mama.

" 'Di ko pa alam e baka sa Harvard,"biro ko.

"Ano bang kukunin mong course?"

"Culinary Arts na ako sure na sure na,"nakangiti kong tugon. "Ikaw ba?"

"Engineering," sagot naman niya.

"Anong engineering?"

"Civil engineering,"sambit niya na puno ng kasiguraduhan.

Kagaya ko ay nito lang din niya narealize kung anong kukunin niyang course. We're GAS student afterall mga undecided pa sa future goals.

"By the way ano na balita sa mudracles ni Zadkiel? Patay na ba?"

"Gaga,"natatawa kong sambit.

"Okay na okay na. Wala naman daw gaano naging problem. Sa ambulance pa nga lang ay nagkamalay na 'yon."

"Sabagay masamang damo."

Nagtawanan naman kami sa sinabi niya. Hayst ganito kami kapag magkasama. Parehas kasi kami ng takbo ng utak. Siguro ay dahil magkapatid kami. Mas naging close pa kami kaysa noon. Pinagtatawanan na lang din naman ang mga nangyari sa amin dati. The ligawan thingy and so on.

Umalis din si Bridget ng alas singko. Kailangan pa daw niya kasing magluto sa kanila.  "Mama ano ulam?"tanong ko nang maabutan sa kusina ang aking ina.

Nakangiti siyang lumingon sa akin"Ang paborito mong sisig."

"Wow amoy pa lang ang bango na."

"Siyempre naman niluto ko 'yan nang may kasamang pagmamahal."

Ilang sandali pa ay kumain na kami. Magkaharap kami ngayon sa lamesa.

"I love you anak,"nakangiti niyang sambit.

"I love you more po."

"O may problema ba?" Napansin niya siguro na may malalim akong iniisip.

"May chance po ba na magkabilikan kayo ni Papa?"

Hindi siya agad nakasagot sa ibinato kong tanong. "Naisip ko po kasi masaya kung mabubuo tayo bilang pamilya. 'Yong sa iisang bahay na tayo. Tapos sabay-sabay tayong kakain sa hapag. Matagal ko po kasing pangarap 'yon. 'Yong magkaroon ng buo at masayang pamilya."

"Ahmm anak hindi ko alam e. Basta ang alam ko masaya ako na nagkaroon kami ng closure ng tatay mo. Na nagkapatawaran kami sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin."

"Mahal niyo pa po ba si Papa?"

Tumango naman siya sa tanong ko. "Akala ko wala na. Pero nang makita ko siya ulit bumalik lahat. Hindi naman kasi namin ginustong maghiwalay noon e. Tutol lang talaga mga magulang niya dahil hindi ako nga maayos ang image ko noon."

"So may chance nga?"

"Anak kung tatanungin mo ako oo mahal ko pa rin siya pero ang tanong mahal niya pa rin ba ako. Nakikita niya ba ang sarili na magpapakasal sa akin."

"Sa tingin po malaki ang chance na mahal ka pa rin niya. Kitang-kita sa mga mata niya e. Mahal ka pa rin non."

"A ewan ko sa'yo," natatawang sambit ni Mama sabay kain ulit.

Nang matapos kumain ay ako nanang nagpresentang maghugas ng pinggan. Pagkatapos naman ng lahat ng gawain ay humiga na kami. Sa kwarto niya ako dumiretso. Ewan gusto ko siyang makatabi ngayong gabi e.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon