LOTC 52

12 1 0
                                    


Warning : Contains mature scenes!

*ADateToRemember

Ilang araw na ang nakalipas at kagaya ng inaasahan hindi pa rin ako pinapansin ni Bridget. Lahat na ginawa ko para maging okay ang lahat pero mukhang malabo na talagang mabalik pa ang samahan namin.

"Nakakalungkot lang na kailangan pa kayong madamay sa nga pagkakamali namin noon ni Christopher."

Nakaupo kami ngayon sa sofa habang siya ay nanahi ng damit. Niyakap ko siya dahil alam kong ilang araw na rin siyang malungkot dahil sa nangyari sa amin ni Bridget.

"Past is past na po hindi na mababalik. Pero ang mahalaga natuto kayo sa mga pagkakamali niyo noon."

"Nakakalungkot lang na parang sunod-sunod na ang nga hindi magandang pangyayari sa buhay natin. Sana maging okay na ulit ang lahat kagaya dati."

Sabay kaming napatingin sa may pintuan nang maramdaman namin ang isang presensya. May date nga pala kami ngayon dahil monthsary namin. Ngayon lang namin naisipang mag-celebrate ng monthsary dahil masyado kaming busy sa pag-aaral at sa trabaho niya. "Tara?"

"Ma pa'no ba 'yan aalis muna ang unica hijo mo,"nakangisi kong tugon.

"Zadkiel halika,"biglang sambit ni Mama.

Agad namang lumapit si Zadkiel. Pinaupo siya ni Mama sa sofa. Hinayaan ko lang sila at hinintay ang sasabihin ni mudra.

"Hijo masaya ako na nahanap ng anak ko ang kasiyahang hindi ko naramdaman noon. Alam kong mahal na mahal niyo ang isa't-isa at masaya ako para sa inyo. Pero mangako ka sa'kin na hindi mo kailanman sasaktan ang anak ko. Na kahit wala na ako may ikaw na mag-aalaga sa kanya."

"Ma huwag ka namang magsalita ng ganyan. Makakasama ka pa namin nang matagal. Aattend ka pa sa kasal namin a." Ayoko sa lahat kapag nakakarinig ng ganoon mula sa kanya.

"Pangako po mamahalin at aalagaan ko ang anak niyo. Pero tama po si Chace makakasama ka pa namin nang matagal."

Ngumiti ako dahil doon. Wala akong ibang hiling kundi ang makasama pa nang matagal ang nanay ko. Matagal din kaming hindi nagkasama noon at hindi pa sapat ang ilang buwan na kasama ko siya. Mababaliw ako kapag nawala siya kaagad sa akin.

"O sige bago pa tayo magkaiyakan dito. Magiingat kayo sa date niyo ha."

"Yes po iingatan ko po ang anak niyo,"tugon naman ni Zadkiel sabay hawak sa kamay ko.

Dinala ako ni Zadkiel sa isang malawak na garden. Magtatanim daw kami ngayong gabi ng mga bulaklak. Charot! Nasa loob kami ng isang malawak na bakuran. May malaking bahay pa nga at hindi ko alam kung kanino ito.

Sa bandang gitna ng lugar ay naroon ang isang lamesa. Kulay white ang cover nito at may mga rose petals pa sa ibabaw. Maliwanag ang buong paligid dahil sa napakaraming ilaw na nakasabit sa mga puno sa paligid. May mga munting bumbilya din na nakakabit sa mga halaman.

"Hindi man kita nadala sa mamahaling restaurant gusto ko pa ring maging special ang gabing ito."

"Keri lang ano ka ba! Okay nga lang sa'kin kahit walang paganito. Makasama lang kita sa isang lugar kuntento na ako."

Ngumiti ito at inalalayan akong umupo. Sinabi niya sa akin na pagmamay-ari ito nila Oliver. Bahay pala ni Oliver ang nasa likuran namin.

"Okay lang ba sa parents ni Oliver?"tanong ko.

"Oo nagpaalam ako sa kanila. Actually wala sila ngayon kaya sa phone call ko lang sila nakausap. Tinulungan nga ako ni Oliver na mag-set up dito."

"Effort naman ng boyfriend ko. Luluhuran sasambahin paka—" natigilan ako sa mga pinagsasabi ko. Masyado palang malaswang pakinggan huhu. Nagaya na ako sa mga social media people na kapag may post ang isang hot guy ay ganoon ang mga comments.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon