LOTC 37

31 4 1
                                    

*Acceptance

CHACE

Parang isang napakagandang panaginip ang nangyari sa akin pagbalik ko mula probinsya. Ang inang matagal kong inasam na muling makasama ay nandito na sa tabi ko. Sa sobrang miss ko ay nakayakap ako sa kanya ngayon.

"Ma dito ka na talaga? Hindi ka na babalik sa ibang bansa?"

"Oo nak mas okay na dito at makakasama kita."

"Ahmmm Ma hindi ko 'to nashare sa'yo noon kasi palagi kang wala at hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa'yo."

"Tungkol saan?" Bumangon kami parehas at naupo. "Mukhang seryoso 'yan a."

"Tungkol po sa sexuality ko." Bumuntong hininga ako bago ipagpatuloy ang sasabihin ko. Nakatingin lang siya sa'kin habang hinihintay iyon. Mukhang may idea naman na siya nang mabanggit ko ang sexuality. "Bading po ako. Alam ko pong unico hijo niyo ako pero bata pa lang ako ramdam ko na 'to. Natakot lang ako na madissapoint kayo kaya nag-pretend ako na malakas ako, na tigasin ako at ako ang anak niyong maipagmamalaki sa kahit na sino. Sorry po hindi ko ginus—"

Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na napigilang maging emosyonal. Sa halip na magsalita ay lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya ako sa bandang noo at muling humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at ngumiti. Naluha na rin siya nahawa na rin sa pagiging emosyonal ko sa mga sandaling ito.

"Hindi mo kailangang mag-sorry at magpaliwanag. Dahil kahit ano ka pa tatanggapin kita. Mahalaga ka sa'kin at hindi sapat na dahilan ang totoong pagkatao mo para mabalewala 'yon. Walang mali sa'yo anak.  "

Parang binunot ng mga salitang iyon ang malaking tinik na nakatusok sa puso ko. Wala na siguro mas sasaya pa sa mga sandaling ito. Ang malaman mong tanggap ka ng sarili mong ina sa kung sino at ano ka ay sobrang saya sa pakiramdam.

"Kung sino man ang magparamdam na mali ang maging tulad mo iharap mo sa'kin at ako mismo ang magtuturo ng leksyon."

Muli akong yumakap sa aking ina. Sinuklian niya rin ito. Ito na yata ang pinaka-masayang nangyari sa buhay ko. Ang malamang tanggap na tanggap ng aking ina ang tunay kong pagkatao.

Naisip kong tawagan si Zadkiel para ibalita ang tungkol dito. Nalungkot ako nang hindi niya sagutin. Baka tulog na o busy sa kung saan. Hindi ko na lamang masyadong dinamdam iyon.

"Thank you po," sambit ko sa teacher na kausap ko. Sa wakas ay enrolled na ako sa panibagong school year. Ilang araw na lang ay maguumpisa na naman ang pasukan. Sana lang ay maging mabait ang kapalaran ko ngayong taon. Huling taon na ng pagiging senior high ko at kolehiyo ako sa susunod na taon.

Pauwi na sana ako nang makita ko si Zadkiel. Agad ko siyang tinawag ngunit hindi siya lumingon. Anong problema niya? Galit ba siya sa'kin? Ano nagawa ko? Siya nga itong mapang-asar noong huli kaming nagkita. Ako dapat 'yon e!

Imbes na sundan pa siya ay uuwi na lamang ako. Mukhang wala talaga siya balak na kausapin o pansinin ako. Ikukwento ko pa naman sa kanya na bumalik na ang nanay ko.

Naglalakad na ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad ko naman siyang nilingon.

"Chaddy,"tawag nito.

"O Brid kamusta ka?"

"Okay naman ikaw?"

"Masaya lalo ngayon at nagbalik na ang nanay ko." Nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ko. Alam niya rin kasi kung gaano ko kagustong umuwi na ang nanay ko. Sobrang close namin noon bago dumating si Ivan.

"Talaga?" bakas sa boses niya ang kasiyahan.

"Oo by the way kasama mo ba jowa mo?"

"Hindi e tara libre kita doon ng street foods,"aya niya sa'kin.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon