LOTC 48

11 0 0
                                    


*Against

"Buti nga sa Ivan na 'yon," sambit ni Bridget. Nang pumasok kasi ako sa room na ito ay agad kaming nagkamustahan. Nagkwento ako nang nagkwento tungkol sa mga nangyari noong comatose siya.

"True dasurb niyang mabulok sa kulungan. Sorry pala kasi hindi ko nagawang tulungan ka."

"Ano ka ba wala kang kasalanan. Saka masaya nga ako ngayong andito ka agad paggising ko."

Ayon sa doctor ay maswerte si Bridget at nagising siya agad. Himala nga at walang kahit na anong nabali sa kanya. Halos five months siya dito at masaya ako na okay na siya. Sinabi niya sa'kin kanina na nagtalo sila ni Ivan. Pinipilit na kasi siya nitong makipag-sex sa kanya. At ang panakot naman nito pag hindi siya pumayag ay ilalantad na ang tungkol sa'min ni Zadkiel. Binugbog pa siya nito at dahil sa panlalaban niya ay tinulak siya nito na dahilan ng pagkahulog niya.

"Hayop talaga ang Ivan na 'yon muntik pa kong mapatay. Buti na lang talaga at malakas pa rin ako kay Lord. Sana talaga hindi ko na siya pinapasok ulit sa buhay ko."

"Ready ka na bang makita ulit siya sa hearing ng kaso?"

Umiling siya. Alam kong mahirap pero kailangan niyang magpakatatag. Kailangang magkaroon ng hustisya ang nangyari sa kanya.

"Pero kailangan niyang magbayad sa mga kasalanan niya. Sure naman ako na makukulong siya doon forever dahil nagdadrugs nga dina ng gago."

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Nagpaalam din ako kay Tito Chris. Napagalaman ko na sinagot ng nanay ni Dara ang lahat ng gastusin sa ospital. Sobrang bait nga nito to the point na iisipin mo kung saan nagmana ng kasamaan ng ugali si Dara. Mabait din naman ang Dad nito. Hayst!

"O hello Ozzy ano balita?" Tanong ko agad nang tumawag siya.

"Wala e hindi ako pinapasok sa kanila. Mukhang ayaw nilang palabasin si Zadkiel. Sure ako na kinuha nila Tito ang cellphone niya kaya hindi natin macontact."

Natahimik ako sa narinig. Dahil sa relasyon namin nahihirapan ngayon si Zadkiel sa parents niya. Naisip ko mas okay nga siguro kung walang nakaalam ng tungkol sa amin. Sana nanatili na lang lihim ang relasyon namin. Siguro mas masaya kami ngayon.

"Gano'n ba sige subukan kong kausapin sila. Pupunta ako sa bahay nila."

"Wag na Chace. Imposibleng pagbigyan ka nila. Baka kung ano pang gawin nila sa'yo kapag nakita ka nila. Kaya please lang huwag mo na ituloy ang balak mo."

Napahiga na lamang ako sa kama ko. Wala akong maisip na ibang paraan. Ang hirap namang maging masaya sa mundong ito. Nagmahal lang naman kami a e bakit kailangang mahirapan nang ganito!

Kinabukasan ay pumunta sa bahay si Ozzy. Pinakilala ko na rin siya kay Mama at Aling Cedes. "Ang sarap po ng luto niyo Tita,"sambit ni Ozzy.

"Naku bolero din pala itong si Ozzy parang 'yong pinsan niya."

"Totoo sinasabi ko Tita."

"Naku hijo masarap talagang magluto 'yan si Ysay. Ang swerte ko nga dahil dito siya nagtrabaho sa'kin e."

"Aling Cedes naman swerte din ako sa inyo."

"Kumain na lang po tayo baka magkaiyakan pa dito,"sambit ko naman. Natawa naman sila at pinagpatuloy na rin ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay inaya ako ni Ozzy sa park. Doon daw muna kami at namiss na rin niya ang mga street foods doon. Sumama naman ako dahil miss ko na rin kumain doon. Naalala ko na madalas kaming magdate doon ni Zadkiel.

"Alam mo hindi ako makapaniwala na magiging kayo ng pinsan ko. Akala ko kasi noon straight siya. Tapos dagdag pa na karibal ang turing niya sa'yo." Hindi naman ako nakapagsalita nang marinig ko ang sinabi ni Ozzy. Kumain na lang muna ako ng isaw.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon