LOTC 25

24 4 2
                                    


*AShoulderToCryOn

CHACE

"So broken ka ngayon?" Tulala lamang ako sa kawalan habang hawak ang diyaryo. Hindi ko na pinansin ang tanong ni Jayza dahil masyado naman ng obvious sa itsura ko ngayon.

May mga bagay talaga na kahit ano gawin hindi kailanman makukuha. Ang sakit lang isipin. Bakit kasi kailangang mahulog pa tayo sa mga taong hindi naman tayo kayang mahalin pabalik.

"Alam mo marami namang iba jan. Huwag na si Zadkiel sis. Si Fafa Ozzy na lang."

"Baliw, magkaibigan lang kami," Tumingin na lang ako sa diyaryong hawak ko. Iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag may natatawag kang kaibigan. Parang kailan lang parati akong mag-isa at tahimik lang na nabubuhay.

"Pero kumpara kay Zadkiel, mas may chance ka sa kanya dahil hindi siya straight." Napatingin ako kay Jayza na todo ngisi sa harapan ko. Baliw talaga ang isang 'to.

"Wala pa sa plano ko ang magkaroon ng boyfriend. Ang mahalaga sa akin ngayon kumita ng pera." Ngumiti ako sa kanya at ipinatong sa ibabaw ng table ang diyaryo. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong balita sa aking ina. Nag-aalala na nga ako dahil baka may nangyari ng masama sa kanya.

Ilang oras pa ang lumipas ay naglalakad na kami palabas ng coffee shop. Inaantok na ako. Sana lang may dumaan agad na masasakyan. "Bye sissy,"paalam ni Jayza sa akin.

"Bye see you tomorrow,"kumaway pa ako bago siya tuluyang makasakay sa tricycle.

Naglakad-lakad pa ako nang isang pamilyar na tao ang aking nakita. Naglalakad ito palapit sa akin kaya naman napahinto ako. Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin pagkalapit sa'kin. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa ginawa niyang iyon. Naramdaman ko na lang ang kanyang pag-iyak sa balikat ko. Ano nangyari sa lalaking 'to at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa?

"Anog nangyari?"tanong ko pagkaraan ng ilang segundo. Bumitaw naman siya agad ng yakap nang amrinig ako.

"Sorry sobrang bigat lang kasi," kahit madilim ay aninag ko pa rin ang basa niyang pisnge at mugtong mga mata.Ganoon ba talaga kasakit ang narasan niya at umabot siya sa ganitong kalagyan.

"Anong nangyari?" Nanatili akong tahimik matapos kong itanong iyon. Gusto kong marinig lahat mula sa kanya. Gusto ko siyang damayan bilang kaibigan ko na rin naman siya.

"I'm just... bro- broken,"nauutal-utal pa siya ng sabihin niya iyon. Akala ko pa naman sasagutin na siya ni Brid. Or iba pa ang dahilan ng pagka-broken niya. "Puwede mo ba akong damayan ngayong gabi? Kailangan ko lang talaga ng kaibigan na makakausap."

May kakaibang epekto sa akin ang mga huling katagang binigkas niya. Hindi ko kasi talaga akalain na ang dating karibal ang turing sa akin ay kaibigan na ako ngayon. Parang maluluha na rin ako dahil doon.

"Oo naman,"nakangiti kong tugon.

Sa isang malapit na parke kami pumunta matapos niyang bumili ng ilang pirasong beer in can sa nadaanang convenient store. Akala ko nga ay sa club dahil doon siya kadalasan. Pero iba yata talaga ang trip niya ngayon. Sabagay mas komportable nga dito dahil walang maingay na music. May mga ilaw sa parke kaya maliwanag dito. Marami rin ang couple na magkatabi sa bawat upuan. May nakapalibot din na tindahan sa paligid kagaya ng shawarma at milk tea. Nakakailang nga dahil mukha kaming mag-jowa ngayon. Pero sabagay kung makikita kami ng iba magkapatid or magkaibigan lang ang iisipin nila sa amin. Naupo kami sa bakanteng upuan. Literal na napaliligiran kami ngayon ng mga mag-jowa.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Inaantok na ako pero dahil malakas sa akin ang lalaking ito ay titiisin ko. "Anong nangyari?" binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming. Binuksan naman niya ang beer at agad na ininom na walang sagot na lumabas sa bibig.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon