LOTC 31

28 4 0
                                    

*TheArrival

CHACE

"Doon po sa tulay papuntang Barangay Ayagilam," sambit ni Jayza sa tricycle driver. May mahabang pila ng tricycle dito saa binabaan namin kaya hindi na namin kinailangan pa ang maghintay. Agad naming inayos ang mga gamit bago  sumakay dito. Nasa bubong ang iba naming dala dahil hindi na kasya sa loob.

Sa loob kaming dalawa ni Zadkiel samantalang nasa backride si Jayza. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa amin sa lugar ng Lola ni Jayza pero nakasisiguro akong makakalimutan namin lahat ng nangyari nitong nagdaang mga araw.

Dumiretso papasok ng isang daan ang tricycle. Hindi sementado ang daan kaya medyo maalog. Napalilibutan din ng naglalakihang mga puno ang paligid. Pakiramdam ko nga ay nakakakot dumaan dito mag-isa  dahil masukal ang magkabilang gilid.

"Yadler," biglang tawag ni Zadkiel sa akin. Napatingin naman ako sa kanya para alamin kung bakit.

"Puwede palagay nito sa likod ko. Ang init kasi eh." Pinakita niya sa akin ang towel. Agad ko naman iyong hinagilap at tumalikod siya sa akin ng slight. Medyo mahirap kasi l nasa tricycle kami ngayon at umaandar pa ito.

Habang inilalagay ang towel sa likod niya hindi ko maiwasan ang manginig. Sino ba naman ang hindi kung 'yong crush mo nagagawa mong hawakan at lagyan ng towel sa likod. Hanggang kailan ko maiitago sa kanya ang kilig na ito. Sana lang kapag nalaman niya ang totoo hindi siya mailang sa akin.

"Thank you," sambit niya nang matapos ko iyon. Muli naman akong nagpokus sa daan. Ilang kaparangan na yata ang natanaw ko sa gilid ng daanan. Grabe ang presko pa ng hangin. Para tuloy gusto ko na lang manatili dito at huwag ng bumalik.

"Dito na po,"sambit ni Jayza. Siya na rin ang nagbabayad para sa amin. Binaba na namin ang mga gamit. Agad namang umalis ang tricycle driver pagkabayad ni Jayza.

Natanaw ko ang isang hanging bridge. Mukhang mahaba-habang pagdurusa ang mararanasan namin bago makarating sa Barangay nila. May takot pa naman ako sa heights. Ewan pakiramdam ko bumabaliktad ang simura ko sa tuwing pagmamasdan ang mataas na lugar. Ilog pa naman ang nasa ibaba ng hanging bridge na ito kaya mas nakakatakot ang lakas ng agos mga sis.

Nagumpisa na kaming maglakad dala ang mga gamit. Nauuna si Jayza na halatang sanay na sanay ng tumawid sa hanging bridge na iyon. Sumunod naman sa kanya si Zadkiel na mukhang malakas ang loob. Ako ito dahan-dahan naglalakad dahil sobrang natatakot ako.

Malayo na sila sa kinatatayuan ko. Kailangan kong kayanin para sa ekonomiya! Nanginginig man pero pinilit ko. Hindi na lang siguro ako titingin sa rumaragasang ilog sa baba. Kailangan kong makatawid dahil baka maligaw ako kung maiwan nila ako dito. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay napaupo na ako. Gumalaw kasi nang bongga ang tulay at pakiramdam ko ay mahuhulog ako. Nawala na rin sa paningin ko iyong dalawa. Napapikit na lamang ako ng mga sandaling iyon. Nagulat naman ako nang may humawak sa mga kamay ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad si Zadkiel sa harapan ko.

"I'll help you," inagaw niya sa akin ang dalawang bag kong dala. Napansin kong wala na siyang dala ngayon at mukhang naiwan na niya sa kabilang dulo. Hawak ang travelling bag at isinukbit ang backpack. "Inhale,"utos niya sa akin. Dahil mukhang makakatulong nga iyon ay ginawa ko na. "Exhale,"dagdag niya pa. Pinaulit-ulit niya lamang iyon hanggang sa naramdaman ko na lang na medyo relax na ako.

"Kumapit ka lang sa balikat ko, you'll be safe,"bigla niyang utos na nagpa-init sa pisnge ko. Tologo bo? Bakit siya ganito kanina pa niya ako pinapakilig! Alam ba niya na crush ko siya at kapag itinuloy-tuloy niya ang pagbibiro ng ganito ay baka mas lumalim pa ang pagtingin ko sa kanya! Arghh! Zadkiel Jude Villarazon tigilan mo ako!

Dakilang malandi ako kaya sinunod ko na siya.  Nakakapit ako ngayon sa balikat niya habang nasa likuran niya ako. Dahan-dahan lang kami naglakad. Para kaming iyong nilalaro dati ng mga bata na tren-tren potpot kineme.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon