LOTC 66

7 1 0
                                    

*LongTime


"Okay ka lang? Nadala mo ba mga gamot mo?"

Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon. Pakiramdam ko nga ay panaginip lang ang ito. Nasa tabi ko siya ngayon at nasa likod ang mga dala naming gamit.

Kotse ko na ang ginamit namin.  Iniwan na lang niya ang kanya sa parking lot ng restaurant. Nagpatugtog muna ako para hindi masyado nakakainip ang byahe.

"Oo ayos lang ako. Nasa bag 'yong nga gamot ko."

Traffic pa kaya hirap na hirap oa kami makausad. Naisip kong sa Quezon kami pumunta. Sa Lucban Quezon kung saan matatagpuan ang Kamay ni Hesus Shrine and Healing Church. Marami ang  pumupunta doon especially every Holy Week.

"Sure ka ba okay lang sa'yo ang pupuntahan natin? Kaya mo bang umakyat sa groto? Baka kasi sumama ulit pakiramdam mo."

"Kaya ko. Matagal ko na ring gustong pumunta doon pero walang time. Nakikita ko lang siya sa TV at social media."

"Thank you for making my wish come true." Hinawakan ko ang isang kamay niya at hinalikan. Binitawan ko rin naman agad dahil baka mailang siya.

Ilang sandali pa ay umusad na rin kami. Hindi na gaano traffic ngayon. Gustong-gusto ko siyang tanungin sa mga nangyari sa buhay niya. Kung paano siya nakabangon matapos ang masasamang pangyayari noon.

"Namiss kita sobra,"binasag niya ang katamihikan gamit ang mga salitang 'yon.

"Mahal din kita sobra,"tugon ko.

"Miss lang sabi ko e,"natatawa niyang sambit.

"A miss ba? Akala ko mahal."

Napangiti na lang ako nang makita ko siyang nakangiti. Ang tagal na mula nang huli kong masilayan 'yon kaya masaya ako na kahit paano napapangiti ko siya.

Tumagal ng dalawang oras ang byahe. Hinayaan ko lang siyang matulog dahil alam kong palagi siyang napupuyat dahil sa sakit. Mukhang hindi pa rin naman siya ready magkwento tungkol sa mga nangyari noong nagkahiwalay kami. Gusto ko mang malaman pero wala akong magagawa. Mas okay na ito kaysa nitong nagdaang mga araw. Atleast ngayon kasama ko siya.

Matapos dalhin sa parking lot ang kotse ay bumaba na agad kami. Nagbayad lang kami para sa parking at naglakad na kami agad. Maraming tindahan ng mga souvenirs sa paligid. May mga t-shirts, bracelets at kung ano-ano pang maaaring remembrance.


Hindi na kami umabot sa mass dahil kanina pa 'yong 9AM. Weekdays pati so walang afternoon mass. Maraming puwedeng ma-enjoy sa lugar na ito. Here you can take pictures and explore the life size statues sanctuary that tells the story of The Noah's Ark which also consists of various animal statues around the place, Adam and Eve at ang Garden of Eden.

May makikita ring fish pond kung saan may jar kung saan puwede maghagis ng coins to wish. Nagkalat tuloy ang mga barya kasama ng mga isdang lumalangoy doon. Sa pagkakaalam ko may 310 staircase steps to reach the 50 feet giant statue of Jesus Christ.


Naglakad na kami papunta sa hagdanan. Hindi ganoon karami ang tao ngayon. Dinadagsa ito every holy week ng maraming tao mula sa iba't-ibang lugar. May dala akong bag at doon nakalagay ang mga tubig  at pagkain namin. Nag-umpisa na kaming maglakad paakyat sa groto. 

As you walk up towards the Risen Statue of Jesus Christ, you will come across 14 stations that shows the sacrifices of Jesus Christ before he was crucified. Nagpatigil-tigil kami upang magpahinga sa bawat station. Nagpicture din kami together. Ang saya-saya ko na natuloy 'to. Nakasama ko minamahal ko.

Malapit na kami sa taas nang mapansin kong hinihingal siya. Nilapitan ko siya at akmang pasasakayin sa aking likod.

"Go lang kaya ko,"nakangiti kong alok. Halatang nahihiya siya kaya pinakita ko sa pamamagitan ng aking ngiti na okay lang.

"Sure ka ha?"

"Yup,"tugon ko.

So ayon nag-piggy back ride siya sa akin. Pinagtitinginan kami ng ibang tao pero wala akong pakialam.

"Kahiya baka sabihin nila ang arte ko pinahirapan pa kita."

"Ang mahalaga okay tayo,"tugon ko na lang habang umaakyat. Hindi naman ako nahirapan sa pagbuhat sa kanya. Ganoon talaga siguro pag mahal mo never mong mararamdamang napapagod ka dahil sila mismo ang nagiging pahinga mo.


Nang marating ang tuktok ay bumungad sa amin ang mga taong nandoon. Bumaba na rin si Chace sa likod ko at tumingin kaming dalawa sa paligid. May mga pamilya at couple. Ang iba ay humahawak pa sa paanan ng 50 feet statue ni Jesus Christ. Mukhang humihiling sila doon.

Nilabas ko ang mga tumbler namin at uminom. Matapos 'yon ay lumapit kami sa statue at dinikit niya ang kamay niya. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa kanya at pumikit. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin. Taimtim akong humiling.

Sana mawala na ang brain tumor niya.
Wala na sana siyang maramdamang sakit kahit kailan. Lord, I love this man so much so please hayaan mo pa kaming magsama nang matagal. I don't know kung against ka sa couple na tulad namin pero umaasa pa rin ako na hindi mo kami pababayaan.

Nang magmulat ako ay bumungad sa akin ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at sinuklian ko din iyon agad ng mas matamis na ngiti.

"I love you,"sambit ko na lang habang hawak ang dalawang kamay niya.

"Zadkiel nakakahiya,"naiilang niyang inalis ang mga kamay niya sa akin.

"Don't be ashamed."

Natawa na lang din ako sa sarili ko dahil sa ginagawa ko. Nasa isang religious place kami tapos nilalandi ko siya.

" 'Di na nahiya mga immoral,"dinig kong sambit ng isang matanda. Hindi naman na iyon pinansin pa.

Inaya ko na lang si Chace sa ilalim ng puno. Nilatag ko ang dala kong blanket at naupo kami doon. Inilabas ko ang mga dala naming pagkain.

"Thank you for making this moment come true,"napatingin siya sa akin nang sabihin ko 'yon. Sobrang saya ko ngayong kasama ko siya.

"Thank you din dahil hindi ka sumuko."

"Pagdating sa'yo wala sa vocabulary ko ang pagsuko."

"Bolero kumain ka na nga jan,"nakangisi niyang sambit.

"Chace?" Sabay kaming napalingon nang makita ang pamilyar na mukha. Ilang taon na nang huli namin siyang nakita.

"Jayza,"sambit ni Chace sabay tayo at yakap sa kaibigan.




LOVE OUTSIDE THE CLOSET

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon