LOTC 49

11 0 0
                                    


*Related

"Okay ka lang ba anak?"tanong ni Mama pagkauwi ko. Napansin niya siguro ang mga mata ko.

"Ok lang ako Ma tulog lang muna ako,"sambit ko.

"Sige pahinga ka na muna,"sambit niya. Nagsandok naman na soya ng pagkain para sa customer na nasa harapan na niya ngayon.

"Si Zadkiel po?"

"Nasa bahay naliligo,"sagot nito.

Naglakad na ako papunta sa bahay namin para matulog muna. Masyadong nasayang ang energy ko sa Mommy ni Zadkiel.

Naabutan kong nagsusuklay ng buhok si Zadkiel. Katatapos lang niya maligo. Suot niya ang isang plain black shirt at jersey short. Natigilan siya nang maramdaman ang presensya ko.

"O bakit natagalan ka?"tanong ni Zadkiel.

"Pagod ako maya na lang tayo mag-usap,"tugon ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong lapitan at yakapin.

"I love you,"sambit nito habang mahigpit na nakayakap sa akin. Sa ginawa medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko lahat ng inaalala ko kanina.

Naupo kami sa mahabang upuan na sa gilid. Ikinuwento ko sa kanya lahat ng sinabi at ginawa ng Mommy niya kanina. Mas okay nga kung sasabihin ko sa kanya.

"Alam kong hindi siya titigil hangga't ako nakikipaghiwalay sa'yo."

"Minsan naiisip ko na baka sign na talaga 'to na hindi tayo para sa isa't-isa."

Hinawakan niya ang mga balikat ko at hinarap sa kanya. "Ipaglaban ko ang tayo hanggang dulo. Huwag mong isipin na mga sign 'yon na hindi tayo para sa isa't-isa."

Ilang araw pa ang lumipas at nanatili sa bahay si Zadkiel. Tinawagan niya ang Mommy niya sa phone noong nakaraang araw at sinabing tigilan kami. Alam kong wala iyong kasiguraduhan pero umaaasa pa rin ako na tigilan at matanggap na nila ang tungkol sa amin.

"Welcome back Brid,"sambit ko nang makita si Bridget na pumasok sa room namin.

"Chaddy,"sigaw niya sabay lapit at yakap sa akin. After months of waiting makakasama ko na ulit siya dito sa school.

Naupo na ako at sumunod naman siya sa pwesto ko. "Anong sabi ng principal?"

"Magtanong na lang daw ako sa mga teacher kung anong puwedeng special project para makabawi ako sa mga hindi ko nagawa."

"Mabuti naman at makakasabay ka naming maka-graduate,"ngumiti ako sa kanya bago muling nagtanong.

"Oo nga e. By the way nasaan ang boyfriend mo?"

"Naghahanap ng work e. Mukhang wala na siyang balak bumalik sa pamilya niya."

Ilang sandali pa ay may pumasok ng teacher kaya nanahimik na ang lahat. Bumalik naman na sa dati niyang upuan si Bridget.

Mabilis lang natapos ang araw na iyon. Siguro ay dahil wala naman masyadong nangyari.  Puro discussion lamang at kamustahan tungkol sa naging lagay ni Bridget. Halos lahat ng subject teacher ay pangangamusta kay Bridget ang naging bungad.

Maghapon ko rin iniisip si Zadkiel. Naghahanap ito ng work dahil tuluyan na niyang tinakuran ang pamilya. Dahil sa relasyon namin kinailangan niyang gawin iyon.

"Si Tito Chris kamusta na?"tanong ko naman habang nandito kami sa labas ng school at kumakain ng kwek-kwek.

Nakapila kasi ngayon ang iba't-ibang street foods cart  sa labas ng school. Napakaraming estudyanteng kumakain ngayon dito sa gilid ng kalsada.

"Ayos naman pero mukhang kailangan na rin niyang humanap ng trabaho. Aalis na raw kasi ang amo niya dito sa Pilipinas kaya naman hindi na siya kakailanganin nito." Muli siyang kumuha ng kwek-kwek gamit ang stick sa plastic cup niya.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon