LOTC 64

12 1 0
                                    

*EffortsAndHope

"Zadkiel?" Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses niya.

"Good morning po,"tugon ko naman.

Andito ako ngayon sa may labas ng bahay nila at kanina pa nagdo-doorbell pero walang nagbubukas ng gate. Si Bridget ang nagbigay ng address na ito sa akin noong huli kaming nagkita. Medyo malayo ito sa dati nilang bahay.

"Pasok ka,"sambit nito. "Pasensya na wala kaming guard or maid man lang na magbubukas sa'yo."

"Okay lang kakadating ko lang din po,"nahihiya kong sambit. Hawak ang isang basket ng prutas ay sumunod ako sa kanya. Nakakamiss din si Tito Chris.

Nang makarating sa living room ay pinaupo niya ako sa sofa. "Ikukuha lang kitang maiinom. Juice ba o kape?"

"Water na lang po,"ayaw ko namang maabala pa siya sa pagtitimpla. Tumingin ako sa paligid. May mga picture na nakasabit kung saan makikita ang mga achievements nila. Mayroong graduation pictures ni Chace at Bridget. May picture ni Tito Chris na kasama ang idol kong si Sir Mando at kung ano-ano pang celebration pictures na hindi ko maidentify kung anong occassion.

"Thank you po,"agad kong tinanggap ang isang basong tubig na dala niya at uminom. Naupo naman si Tito Chris sa katapat na sofa.

"Long time no see. Mas lalo ka atang pumogi."

Ngumiti naman ako dahil hindi ko na alam ang isasagot doon. "Nakita kita sa art fair noong nakaraan hindi lang ako nagkaroon ng chance na lumapit sa'yo. Kumusta ka?"

"Medyo busy din po e. Ahmm okay lang naman po ako. Si Chace po kamusta?" Lumungkot bigla ang mga mata niya nang marinig ang tanong ko. "Sorry po ahmm nabanggit po kasi niya noong nagkita kami na may sakit siya. Puwede ko po bang malaman kung ano 'yon?"

"Brain tumor ahmmm benign or non-cancerous naman siya pero of course kailangan ng surgery at may possibility na—" Natigil siya sa pagsasalita dahil naiyak na siya. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya.

"Pray lang po tayo magiging successful ang operation niya. Malakas 'yon e. Sa dami ng mabibigat na dinanas niya sa buhay alam kong malalampasan niya rin ito."

"Sorry hijo hindi ko mapigilang maging emosyonal sa harap mo. Alam mo namang ilang taon pa lang kami nagkakasama ng anak kong 'yon at hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kanya."

"Naiintindihan ko po kayo Tito."

"Pa may bisi—"Napalingon ako sa may hagdan nang marinig ang boses na 'yon. Kita sa mga mata niya na may iniinda siyang sakit. Nakajacket siya at pajama.

"Chace nagdala pala ako ng prutas,"agad kong saad nang lumapit siya sa pwesto namin.

"Anak maiwan ko na kayo matutulog lang ako sa taas,"paalam ni Tito Chris. Mabuti at hindi na halata sa mata niya na umiyak ito kanina.

Awkward!

Ang hirap magstart ng conversation especially now. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Thank you," dalawang salita pero ibang klase ang naging epekto sa buong sistema ko. Pakiramdam ko ay napagaan nito ang kung ano mang nararamdaman ko.

"You're always welcome."

"May kailangan ka pa ba? Kailangan ko na rin kasing magpahinga e."

Binasag agad ng mga salitang 'yon ang kasiyahang nararamdaman ko. Bakit ko nga ba kasi kinalimutan agad na may sakit siya?

"Ah sige get well soon. Ipagpi-pray ko lagi na maging successful ang operation."

Hindi na ito sumagot pa at naglakad na muli pataas. Naiwan naman akong hinahabol siya ng tingin.

Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin nang sumunod na mga araw. Palagi akong pumupunta pero lagi din naman siyang iiwas sa akin. Palagi ko siyang dinadalhan ng pagkain o bulaklak. Kadalasan ay si Tito Chris o  si Bridget ang tumatanggap.


Naiintindihan ko siya. Ayaw na niya sigurong bumuo ng kahit anong connection sa pagitan namin. Siguro ay naiisip niya na walang kasiguraduhan ang kaligtasan niya sa operasyon. Na baka masaktan niya lang ako.

"Kaya pa ba?"tanong ni Bridget nang maabutan ulit ako sa living room nila. Tumango lang naman ako bilang sagot. Wala akong hindi kakayanin para sa kanya.

"Brid baka naman mapilit mo siyang sumama sa'kin. Gusto ko siyang ipasyal."

"Sorry hindi ako sigurado kung kaya ko. Pero sa nakikita ko ngayon mukhang malabo siyang sumama sa'yo. Iniiwasan ka nga niya e."

Balak ko sana siyang dalhin doon sa sikat na healing church sa Quezon baka sakaling magkaroon ng milagro at hindi na niya kailangan pa ng operasyon. Doon kasi ay may groto kung saan makikita sa taas ang malaking statue ni Jesus Christ. Maaari kang humiling doon. Puwede ring magtirik ng kandila sa may simbahan.

"Bahala na. Sige mauna na ako ha may kailangan pa kaming tapusin sa firm. Baka maya-maya lumabas na din 'yon" Paalam niya sa akin.

Ilang sandali pa ay dumating naman si Tito Chris. Nagulat pa ako dahil kasama pala niya si Sir Mando.

"Paghanda ko lang kayo ng meryenda." Naiwan kami ni Sir Mando sa sofa.

"Sir Mando kumusta po?"

"Okay lang. Ikaw kumusta na? Balita ko naging maganda ang kapalaran mo sa US a. Nakagraduate ka ng Fine Arts tapos successful na career mo ngayon."

Nahihiya ako kaya ngumiti na lang ako sa mga sinabi niya. "Kayo pa rin po ang the best sa lahat. Musta po ang lovelife niyo?"

"Balak na nga naming magpakasal soon."

"Talaga po? Sana all strong. Ahmm ano pong sikreto sa strong ang happy relationship?"

"Hoy grabe hindi rin naman ganoon ka-happy at strong ang relasyon namin. Of course as a same sex couple maraming struggle sa buhay namin. Anjan ang pamilya at mga nakapaligid sa'min. Ilang beses na nga kaming naghiwalay pero ilang beses din naming inayos."

Sana nga ganoon kadaling umayos ng relasyon. 'Yong parang damit lang na napunit, puwede pa ring tahiin.

"Kung may natutunan man ako sa lahat ng pinagdaanan namin sa buhay. 'Yon ay ang kung kayo talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa, tadhana ang gagawa ng paraan upang kayo'y muling magsama."

Kung kami nga talaga para sa isa't-isa siguro may paraan pa. Baka nga pagsubok lang ito sa amin. Na kapag nalampasan ay sunod-sunod na happy moments ang nakaabang.

Minsan naiisip ko nga kung nanatili bang lihim ang relasyon namin ni Chace mangyayari ba ang mga trahedya? Tahimik pa rin ba ang buhay namin hanggang ngayon? Pero sa isang banda naiisip ko din na baka nga nakatakda talagang mangyari ang mga 'yon para mas palakasin kami. Dahil ang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal ang pinaka-magandang  nagawa ko sa buong buhay ko at hindi ko kailanman 'yon pagsisisihan.

Loving him outside the closet is the best thing I've ever done!


LOVE OUTSIDE THE CLOSET


Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon