LOTC 60

18 1 0
                                    

*LongTimeNoSee

"Para sa'yo,"napatingin na lang ako sa nakatayo sa harapan ko. Masakit ulo kaya nakasubsob ako sa isang lamesa dito sa restaurant kaya hindi ko napansin ang pagdating niya.

"Ozzy,"tumayo ako at yumakap sa kanya. "Gagi long time no see. Iba talaga kapag negosyante palaging busy."

"Oy negosyante ka rin a. Kita mo 'tong restaurant mo sobrang pinagkakaguluhan na."

"Anong laman nito?"tanong ko habang pinagmamasdan ang regalo niya sa akin. Nakabalot ito kaya wala akong idea sa nasa loob nito.

"Isang box ng condom,"agad ko siyang hinampas nang marinig ang sinabi niya.

"Gago ka,"bulyaw ko.

"Bakit e di ba nandito na ulit sa Pinas si Zadkiel? Malay mo ma—"

"Hindi na puwede may asawa at anak na siya."

"What?"gulat niyang tanong.

"Oo kitang-kita ko kahapon. Kung alam ko lang na birthday party ng anak niya 'yong pupuntahan namin sana hindi ko na tinanggap ang alok ni Winona."

Natahimik naman siya at umupo sa katapat kong upuan."Sorry bad timing 'yong joke ko. Hindi ko akalaing may asawa na pala siya."

"Okay lang alam ko namang maski ikaw ay walang balita sa kanya ng ilang taon."

"By the way hindi condom laman niyan ha."

"Musta na kayo?"tanong ko na lang.

"Nino?"

"Ng boyfriend mo."

"Ah ayon na nga kaya ako nandito bukod sa regalo mo. Oorder din ako at dadalhin sa office niya ngayon." Malapit lang kasi dito ang office ng boyfriend niya. Five years na sila at mas lalo lang nagiging strong ang relasyon nila habang lumilipas ang panahon. Hindi ko nga maiwasang mainggit sa tuwing magkasama sila.

"Nag-away kayo ni Cyrus?" Ganito naman kasi palagi ang dalawang 'yon.

"Hindi kasi ako agad nakareply,"tugon niya.

Jusko ang babaw talaga ng dalawang ito. Noong nakaraan nga nag-away din sila dahil naman napatingin si Ozzy sa isang sexy na babae habang nasa mall sila.

"Ang babaw niyo jusko."

Masaya ako para kay Ozzy dahil nakahanap na siya ng taong mamahalin at mamahalin din siya. Nagkakilala ang dalawa sa college at hanggang ngayon ay staying strong. 

Binuksan ko na lang ang dala niyang regalo. "Naks may pa-relo ang kuya mo,"sambit ko.

"Ayan para maging aware ka naman sa oras. Balita ko kasi ay masyado ang busy dito sa restaurant mo at minsan ay nakakalimot nang huminga."

"Salamat Ozzy dahil never ka nagbago."

"O siya sige na 'yong order ko baka gutom na ang bebe ko,"napatayo na siya para icheck kung ready na ang mga inorder niya. Kaloka pinamukha na naman niya sa'kin na single ako.

Sinuot ko naman ang relo na bigay ni Ozzy. Balak ko na rin sana bumili noong nakaraan kaya lang wala akong time. Kailangan kong magsikap para sa future namin. Kung nandito sana si Mama mas masaya ang buhay ko. Naiimagine ko nga minsan na nandito siya at kasama ko siya sa restaurant naming ito.


Pinilit kong kalimutan ang nalaman ko tungkol kay Zadkiel nang nga sumunod na araw. Nagfocus ako sa business ko. Baka kailangan ko na talagang tanggapin na hindi kami para sa isa't-isa. Sana lang ay hindi na muling magkrus ang landas naming dalawa. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Isang araw naglalakad ako palapit sa puntod ng nanay ko nang makita ko ang pamilyar na lalaki. Nakaupo ito sa tabi ng puntod ni Mama at nagdala rin ng bulaklak. Death anniversary ngayon ng nanay ko at naisip kong dalhan siya ng bulaklak at ipagtirik ng kandila. 'Di ko naman akalaing matatagpuan ko dito ang lalaking mahal ko at patuloy na minamahal kahit alam kong hindi na puwede.



Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung lalapit pa ako doon o magtatago na lang muna hanggang makaalis siya. Pero bakit pa naman ako magtatago? Kailangan kong ipakita na okay ako. Na kahit wala siya ay kinaya ko. Masaya na ako na may sarili na siyang pamilya at may anak na siya na hindi ko magagawang ibigay sa kanya kung sakali.

Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang boses niya. Mas lumalim ito kumpara noon."Chace Yadler?"

Pinilit kong umarte na normal. Pinigilan kong manginig ang boses ko. "O Zadkiel ikaw pala. Buti alam mo ang libingan ng nanay ko."


"Nagtanong ako sa mga kakilala. By the way how are you?"

"Okay lang,"tipid kong sagot. Naglakad na ako palapit sa kanya. Inilapag ko ang isang basket na bulaklak sa puntod ni Mama.

Nasanay ako na sa tuwing dadalaw ako ay kakausapin ko si Mama. Na para bang katabi ko lang siya at nakikinig sa mga hinaing ko sa buhay. Ngunit ngayong nandito ang lalaki mukhang makakaalis agad ako.

"I'm happy na natutupad mo na ang mga pangarap niyo ni Tita."

Ngumiti ako at hindi ko alam kung halata niyang pilit iyon. Ngayong kaharap ko siya ay muling bumalik sa alaala ko ang araw na nakipaghiwalay ako sa kanya. Kung sana lang wala pa siyang pamilya baka puwede pa. Pero hindi na ganoon kadali ang sitwasyon namin.

"Sige mauna na ako." Tumalikod na ako para umuwi nang maramdaman ko ang isang kamay niya sa braso ko.

"Namiss kita,"halos pabulong niyang saad. Pinilit ko namang ibitaw ang kamay niya at tuluyang naglakad palayo.

Gago ba siya! May asawa na siyang tao tapos may pahawak at mukhang balak pa makipagbalikan sa'kin. Sinampal ko nang ilang beses ang sarili ko nang makarating sa aking kotse. Ang OA na kasi ng mga naiisip ko. Masyado akong assuming e hinawakan lang naman ako sa braso at namiss lang ako ng lalaki e umabot na agad sa makipagbalikan ang isip ko.

"Chef Palma okay lang kayo?"tanong  ni Andy nang makabalik ako sa restaurant.

"Okay lang ako,"sagot ko naman. Ang totoo masama ang pakiramdam ko. Hindi ko nga alam kung dahil ba kay Zadkiel o ano. Basta sobrang sakit na naman ng ulo ko.

Paupo na sana ako nang bigla akong natumba. Naramdaman ko na lang at narinig ang pagaalala ng nga nasa paligid ko. Maya-maya pa ay tuluyan na lang nagdilim ang lahat.

Nagising ako sa isang hospital. May nakakabit na dextrose sa akin. Bumungad sa akin si Andy. Mukhang siya ang nagdala sa akin dito. "Anong nangyari?"nanghihina kong tanong.

"Bigla ka na lang natumba sa restaurant. Sinabi ko nga sa doctor na palagi na sumasakit ang ulo mo. Kaya ayon mukhang kailangan mo daw magpa-MRI scan."

Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Ano nga kaya ang dahilan bakit palaging sumasakit ulo ko at nagiging makakalimutin na minsan! May sakit nga kaya ako?


Ilang sandali pa ay kinailangan ko na magpa-MRI  para malaman kung ano ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko. Lumipas pa ang mga oras at nandito na ako sa higaan. Hinihintay na lang ang resulta.

"Anak anong nangyari?"tanong agad ni Papa pagkapasok pa lang sa kwarto ko.

"Sumama lang pakiramdam ko Pa,"sagot ko. Ayaw ko na magalala pa siya nang husto. Hindi ko nga nasabi sa kanya na palaging sumasakit ulo ko.

Maya-maya pa ay may pumasok na nurse. "Sir Palma may resulta na daw ang MRI niyo. Hatid ko na po kayo sa clinic ni Doc Bernardo.

"Pa dito ka na lang muna si ateng nurse na bahala sa'kin."

Pagpasok pa lang ng clinic ni Doc ay kinakabahan na agad ako. Nakaupo na ako ngayon sa harap at naghihintay ng sasabihin niya.

"Hijo..."

LOVE OUTSIDE THE CLOSET

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon