LOTC 14

26 4 0
                                    


*TheMostPainfulRevelation

Lumipas pa ang mga araw at pansin kong sinusunod naman ni Yadler ang gusto ko. Kapag pumalapit nga sa kanya si Bridget ay kaagad siyang lumalayo. Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para muling lumapit kay Bridget.

"Bridget can we talk?" Tanong ko na for sure ay 'NO' na naman ang magiging sagot niya. Ewan ki ba kung bakit pinipilit ko pa ang sarili kong paniwalain na kaya niyang maging nice sa akin kahit isang araw manlang.

"About saan naman?"

Himala yatang hindi siya masungit ngayon. Pakiramdam ko ay isa itong magandang sign. Nararamdaman ko talaga na may chance pa na maging okay kami.

"Okay lang ba kayo ni Yadler? I mean nakikita ko kasi na umiiwas siya sa'yo."

"Oo masaya ka na?!"

Masungit pa rin ang tono niya kaya sa isang iglap lang ay muling naguho ang pag-asa ko. "Concern lang ako isipin mo ikaw na nga ang nanliligaw tapos siya pa ang lalayo sa'yo. Hindi man lamang nga yata sinabi kung bakit siya umiiwas."

"May alam ka ba?" Kinabahan ako sa tanong na iyon. Pakiramdam ko ay lumamig ang buong katawan ko. Nanatiling tikom ang bibig ko kaya muli siyang nagsalita. "Kapag nalaman ko lang talaga na ikaw ang nanakot sa kanya at nagsabing layuan ako humanda ka sa'kin!"

Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro ako ilalaglag ni Yadler dahil takot siya sa akin. Bakit ba kasi patay na patay si Bridget kay Yadler. Wala akong makitang kahanga-hanga sa taong iyon. Mula ulo hanggang paa lamang na lamang ako. Tapos loner pa iyon dahil sa sobrang tahimik. 

"Pareng Zadkiel andiyan ka lang pala. Ano ginagawa mo dito?"

"Wala naman, tara kain na tayo."

Nang mga sumunod na araw ay nanatili lang akong malayo kay Bridget. Pansin ko namang sinusunod ni Yadler ang gusto ko. Nitong isang araw lang ay nakausap ko siya at hindi pa rin niya nasasabi kay Beidget ang gusto kong mangyari. Mukha namang takot talaga siya sa akin kaya wala na akong dapat ipag-alala.

"Tara sa mall mamaya bro," aya ni Oliver.

Wala rin naman akong gagawin mamaya kaya naisipan ko na lang sumama.

Kagaya ng sinabi ni Oliver ay pumunta nga kaming mall. Naglaro lang kami sa arcades. Nang mapagod ay dumiretso kami sa isang restaurant dito sa loob ng mall. Habang hinihintay ang order sy nagkwentuhan muna kami ni Oliver.

"Sure ka ba na sinusunod ka na ni Yadler?" tanong nito.

"Hindi niya magugustuhan ang kaya kong gawin. Alam ko ang tinatago niyang sikreto kung—" Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses.

"Hi guys,"bati nito. Napapikit na lamang  ako nang makitang siya nga ang may-ari ng boses na iyon.

"Hi Dara musta?"tanong ni Oliver.

"Ito pretty pa rin. Anyways can I join you guys here ayoko namang magmukhang loner."

"I-take out mo," pabulong kong saad.

"Waiter can I have the menu," sigaw nito.

Gustuhin ko mang umalis na at iwan ang babaeng ito ay hindi ko magawa. Sayang naman ang inorder namin at ayaw ko rin namang mapahiya si Dara.

Chocolate cake lang ang at lemon juice ang inorder ni Dara. Dinner na ang sa amin dahil gabi na rin naman. Masyado kaming nalibang sa paglalaro. Rice and pork adobo na may kung ano pang tawag sa menu. Ewan ko ba kung bakit ginagawa pang sosyal ang mga pagkain na obvious naman.

"Diet ka?" tanong ni Oliver.

"Oo eh ayoko kasing tumaba," tugon nito kay Oliver. "I didn't mean na maoffend ka or something ha."

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon