LOTC 05

50 6 0
                                    


*TheConsequence

"Sige mauna ka na sa room Brid punta lang akong banyo." Tumunga lang si Bridget at muli nang naglakad papuntang room.

Pagkatapos kong umihi ay humarap muna ako sa malaking salamin na nasa may lababo ng banyo. Mukha talaga akong dugyot sa itsura ko. Daig ko pa ang may sampung anak sa kapal ng buhok at bigote ko.

Napahawak ako sa dibdib ng maramdaman ko na parang may kumirot doon. Ewan ko kung bakit parang masama ang pakiramdam ko na ewan. Siguro dala lang ng mga nangyayari sa akin. Sana ay maging okay na talaga kami ni Bridget at tumigil na si Zadkiel.

Nang makabalik sa room ay mukhang nag-uumpisa na nga sila. Pagpasok ko ng pintuan ay nabigla ako sa naabutan. Katatapos lang magplay ng isang video sa flatscreen tv na nasa may ibabaw ng blackboard nakakabit. At hindi iyon isang pelikula na papanoorin namin at gagawan ng reaction paper. Iyon ang video ko sa bahay nila Zadkiel! Napatingin ako kay Zadkiel na nakangiti na halatang sobrang masaya sa nangyayari

Paano nangyari to? Akala ko ba dinelete mo na!

Halos mapaluhod na lang ako dahil sa masamang pakiramdam na nadagdagan pa nang nakita ko. Lahat ng kaklase ko ngayon ay nakatingin sa akin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanila. Unti-unti bumagsak ang mga luha sa pisnge ko.

Bakit kailangang umabot sa ganito! Hindi pa ako handa eh!

Naglakad si Zadkiel sa bandang likod kung saan ako naroroon.. Halata sa mukha na tuwang-tuwa sa kanyang ginawa. "Zadkiel bakit kailangang umabot sa ganito?" Puno ng pagkadismaya ang boses ko. Ang lahat ay nakatingin lamang sa amin.

"Nagulat ka ba? Brad may usapan tayo hindi ba? Pero hindi ka tumupad kaya ayan. Napanood na ng mga kaklase natin ang video."

"Dinelete mo na yon eh!"

"Ano ako tanga na basta na lang itatapon ang pinaghirapan ko."

Gusto ko siyang sapakin. Gusto kong hilahin ang kwelyo ng uniform niya at suntukin sa mukha. Gusto kong basagin ang salamin niya sa mukha niya mismo. Ang dami kong gustong gawin pero pinanghihinaan ako ng loob. "Gago ka!"

"Kung ako gago ikaw naman bakla! Sa likod ng malago mong balbas nagtatago ang kabaklaan mo! Pero siguro kahit na mapuno pa ng buhok yang mukha mo hindi pa rin matatago iyang pagiging baluktot mo!"

Hindi na ako nakapagpigil kaya sinuntok ko na siya sa panga. Bahagyang napagilid ang mukha at nahulog ang salamin niya kaya agad niya yong pinulot at inayos ang lagay sa mata niya. Nagdugo nang kunti ang nasapol ng aking suntok. Umakto siyang susuntukin ako pero lumapit si Bridget at sumigaw. "Tama na!"

"Oh Bridget kita mo na ang lalaking kinababaliwan mo ay isang bakla! Mukhang wala siyang planong sabihin sa 'yo and patuloy ka lang pinapaasa."

"Stop this nonsense please!"

"Bridget I'm sorry hindi ko agad nasabi sa'yo. Hindi pa kasi ako handa and nag-iipon pa ako ng lakas ng loob" Nanginginig na ang boses ko sa labis na kahihiyan.

"Wow magsosorry ka kung kelan nabuko ka na. Ang husay mo Chace Yadler. Sa tingin mo mababalik pa niyan lahat ng effort na ginawa ni Bridget sa panliligaw sa'yo?"

"Zadkiel shut up!" Sigaw ni Bridget na ikinagulat ko.

"Sabi ko naman sa'yo mas deserving ako para sa'yo. Una pa lang malakas na ang kutob ko na may tinatago ang taong yan. And ayan na nga bakla pala ang lintek!"

Mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga naririnig ko mula kay Zadkiel. Ito ba talaga ang ultimate crush ko? Sa likod ng maamo niyang mukha ganito pala siya. Kayang gawin ang lahat kahit na may masaktan pa. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Gustong-gusto na lang umuwi sa mga oras na ito at magkulong sa apartment. Pakiramdam ko'y wala na akong mukhang ihaharap sa mga kaklase kong ito.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon