LOTC 41

14 0 0
                                    

*SecretRelationship

CHACE

Hindi ko na alam kung panaginip lang ba ang nangyayari sa akin nitong mga nagdaang mga araw. Masyado kasing too good to be true ang lahat. Muli kaming nagkasama ng nanay ko tapos 'yong ultimate crushie ko ay umamin ng feelings sa akin! Sadyang ang hirap i-process sa utak ng lahat ng ganap mga sis!

Pumayag na rin akong maging kami dahil napatunayan naman niya ang sincerity niya. Hindi ko nga alam kung sadyang marupok ako pagdating kay Zadkiel o talagang na-touch lang niya ang puso ko. Maniwala man kayo o hindi jowa ko na ang crush ko at nagkiss na kami nakakaloka! Sabi ko nga ng mga moment na 'yon ay puwede na ako mamatay. Charot!

Si Mama at si Bridget pa lang ang nakakaalam ng tungkol sa amin.  Mas makakabuti naman kasing itago muna ang kung anong meron kami. Paulit-ulit na nagsosorry sa akin si Zadkiel tungkol doon. Para sa akin naman ay kung hindi pa siya ready talaga na mag-out sa publiko ay ayos lang. Alam ko ang pakiramdam na mapressure tungkol doon.


Sa tuwing titingnan ko si Zadkiel pakiramdam ko ay hindi ko siya deserve. Isa siya sa maiituring na campus heartthrob tapos magiging boyfriend lang ng isang tulad ko.

"Totoo ba ang chika may jowa na si Zadkiel," dinig kong sambit ng isang estudyante. Napahinto ako sa paglalakad ng madaanan ang tatlong estudyanteng babae na nagchichismisan sa isang bench malapit sa gate. Wait alam na nila ang tungkol sa akin?

"Oo daw sis ang chika pa nga ay dati pa sila may relasyon. Kilala mo 'yong transferee na si Dara Mercado? Siya daw ang girlfriend." Tugon ng isa.

Nakahinga ako ng maluwag matapos kong marinig ang usapan ng mga Marites na estudyante. "Truely ba? Bagay naman sila kaya keri lang. Balita ko nga ay kaya lumipat dito sa school natin si Dara ay para makasama ang boyfriend niyang si Zadkiel."

"Saka ako magdadabog kung sa isang chakabels napunta si Fafa Zadkiel."

Hindi ko akalaing ang mga katagang iyon ang magpapabigat sa nararamdaman ko. Umaga pa lang pero iyon na agad ang bumungad sa akin.  Binilisan ko na lang ang paglakad ko para hindi marinig pa ang mga sumusunod nilang sasabihin.

Alam kong mas malala ang matatanggap kong panlalait oras na malaman nila na ako ang kasintahan ni Zadkiel.

"Chaddy," dinig kong tinig mula sa likuran ko. Nang lumingon ako ay tumambad sa akin ang hinihingal na si Bridget.

"O anyare?"

"Gaga ka kanina pa kita tinatawag hindi mo ako nililingon."

"Sorry may iniisip lang."

Ngayon ay sabay na kaming naglalakad papunta sa room. "Tungkol ba sa inyo ni Zadkiel?"

"Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko. Pakiramdam ko kasi hindi ko siya deserve. Ang daming mas deserving sa atensyon niya."

"Ano bang sinasabi mo?" Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Mabuti na lamang at walang tao sa paligid kaya malaya kaming nakakapagusap tungkol dito. "Deserve niyo ang isa't-isa okay! Saka huwag mo na lang pansinin ang mga Marites sa paligid niyo. Ang mahalaga totoo ang nararamdaman niyo sa isa't-isa. At darating ang araw magiging malaya din kayong dalawa. Malayang maiipakita sa lahat na nagmamahalan kayo."

"Thank you Brid. Sinabi ko sa'yo ang tungkol sa'min dahil alam kong mapagkakatiwalaan ka. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na may isang Bridget Palma akong kaibigan."

"Natouch naman ako sa sinabi mo. Tara na nga."

____

"Kanina ka pa tahimik may problema ba?"tanong niya sa'kin.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon