LOTC 18

26 5 1
                                    


"AnotherHelpAndConfession

Friday na naman at ito ako ngayon paakyat na sa aming room. Nasalubong ko pa nga si Darwin na masama pa rin ang tingin sa akin. Pagpasok sa room ay naupo na lang muna ako.

"Zadkiel," boses ng kaibigan ko.

"Oh ano na?"

"Anong balita napatawad ka na ba ng baby mo?"

"Sinong baby?" tanong ko.

"Si Yadler,"nakangisi nitong tugon. Agad ko naman siyang binatukan dahil sa sinabi niya.

"Gago!"

"Grabe ang harsh mo pre."

"Ikaw kasi ang dami mong nalalaman. Nakakadiri mga naiisip mo! Baka ikaw may gusto kay Yadler!"

"Defensive mo naman masyado," nakangisi pa rin nitong sambit.

"Manahimik ka jan," bulyaw ko.

Ilang sandali pa at dumating na ang iba naming kaklase. Halos nandito na lahat maliban kay Bridget at Yadler. Bakit wala pa sila? Sabay ba silang papasok?

Dumating na rin ang adviser namin at nag-umpisa ng magdiscuss. Wala pa rin iyong dalawa. Ano kayang meron at wala pa sila. "Psst," tawag ko sa class monitor namin.

"Bakit?" tanong nito.

"Si Yadler bakit absent?"

"Eh hindi ko alam wala naman siyang pinadalang excuse letter."

"Huy Ms. Ebita anong ingay yan?"tanong bigla ng teacher namin.

"Nagtanong lang po si Zadkiel kung bakit absent si Derama," diretsong sagot nito.

Nakaramdam ako ng hiya dahil doon. Halos pabulong na nga lang ako kaninang nagtanong tapos sasabihin niya pa ng malakas ngayon sa gitna ng klase!

"Ayiieee concern," sigaw ng isang babae naming kaklase.

"Uy nakalimutan na ata niya si Bridget, si Chace naman na ang gusto niya. Witwew."

Mas nahiya ako sa sunod-sunod na panunukso ng iba naming kaklase. Kasalanan ito ni Erica eh!

"Ship na yarn. BL series fan ako kaya super kilig. Wahhhhh." Parang kinikiliting tili ni Mariel.

"Quiet," sigaw ni Ma'am. Natahimik naman ang lahat matapos iyon. Napansin ko naman nakangisi ulit si Oliver. Kapag talaga ako nainis  ipapalitson ko na 'to.

Kung alam ko lang na absent si Yadler hindi na lang sana ako sumama. Walang pasok sila Ozzy eh sana pumunta na lang ako sa kanila. Mahilig ako mag-aral pero ewan ko ba parang si Yadler na lang nagiging dahilan kung bakit pumapasok ako araw-araw. Tsk. Ano ba 'tong naiisip ko! Erase! Erase! Ayokong sakyan trip ng mga kaklase ko!

Lumipas ang maghapon na parang hangin lang na dumaan. Wala naman kasi masyadong nangyari. Normal lang na discussion sa bawat subject at kaunting seatwork. Naisip kong i-chat si Tita Yvonne ang nanay ni Ozzy.

Zadkiel Jude: Tita nasa bahay niyo si Ozzy?

Seen

Tita Yvonne: naku Zadkiel wala eh kasama niya mga friends nia naghang-out dhil wla sla pasok

Seen

Zadkiel: oh sayang ppunta sana ako

Seen

Tita Yvonne: pero sbi nia diretso sia dito sa coffee shop mmya sabay na sia sa'kin pauwi

Seen

Zadkiel: saan nga po pla iyang coffee shop niyo punta ako

Paalis na sana ako nang makita kong naglalakad si Yadler. Mukhang pagod ito base itsura niya. Agad akong bumaba sa motor ko at inayos ang tayo sa kabilang side ng kalsada. Sinundan ko lang siya nang palihim. Hanggang natagpuan ko na lamang siyang may kausap na matandang babae. Hindi ko halos marinig ang usapan nila kaya dahan-dahan akong lumapit.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon