LOTC 15

29 5 0
                                    

*SincereApology

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Masyadong magulo ang isip ko at hindi na alam kung paano pa haharap kay Bridget. Pakiramdam ko nga ay ako na ang pinaka-masamang tao sa mundo.

"Hijo kain ka na," sigaw ni Manang mula sa labas ng kwarto ko.

"Maya na lang po," tugon ko.

Wala talaga akong gana ngayon. Pakiramdam ko ay hinang-hina ang katawan ko dahil sa mga nangyari. Si Yadler ang napahiya nang husto pero parang mas apektado ako.

Curious ako kung anong ginagawa ni Yadler ngayon. Umiiyak pa rin kaya siya? Kumain na ba siya? Panay ang tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit masyado akong nag-aalala sa taong iyon. Siguro ay dahil sa mga nagawa ko sa kanya lalo na kanina.

Zedrick : oh anong drama yan?

Reply ni Ozzy sa 'my day' ko. Nag-my day kasi ako ng 'Sorry Na'. Napangiti naman ako dahil finally may makakausap ako about the issue. Kaya naman ayon kinuwento ko ang katangahan ko sa kanya. Pati na rin ang plano ng parents ko na mag-migrate sa US.

Zadkiel: mas lalong nagalit si Bridget sa nagawa ko

Seen

Zedrick: Hayst ewan sau alam kong may pinagdaraanan ka kaya mo nagawa 'yon pero sana napigilan mo pa rin. Sobrang mali na i-out mo ang isang taong hindi pa ready ipakita ang totoong siya sa mundo. Hindi mo alam kung gaano kahirap pra sa kanila 'yon.

Seen

Minsan talaga hindi ko alam kung pinsan ko ba talaga ito o ano. Kadalasan kasi ay hindi niya ako kinakampihan sa mga bagay. Siguro dahil na rin sa mali talaga ako. Mas lalo lang tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

Zadkiel: mas lalo mo lang pinabigat ang nararamdaman ko

Seen

Zedrick: tama lang naman ang sinabi ko

Seen

Zadkiel: oo na

Seen

Zedrick: buti naman natanggap mo na

Seen

Zadkiel: dayo ka dito bukas sa'min

Seen

Zedrick: what? may pasok pa 'di ba?

Seen

Zadkiel: aabsent na lang ako. wala ako sa mood pumasok.

Seen

Zedrick: wow coming from you ba takaga yan? ikaw ba talaga si Zadkiel Jude Villarazon? Kung nde ilabas mo siya now na!

Seen

Zadkiel: gagi ako nga 'to. ngayon lng ksi ako nakaexperience nang ganito kabigat na pakiramdam.

Seen

Zedrick: okay see you tom! ikaw bhala mag-explain kay Mom kapag mahuli ako ha!

"Saju bakit hindi ka raw nag-dinner kagabi?" tanong ng kuya kong nakabihis na ng uniform at ready na pumasok sa trabaho. Nagsasapatos ito ngayon sa may sofa.

"Wala lang akong gana," tugon ko.

"About pa rin ba 'to sa sinabi nila Mom last time? Kung 'yon lang huwag mo na muna kaisipin. Gagawin ko lahat para ma-convince sila."

"Goodluck sa'yo," sambit ko sabay diretso sa kusina.

Nagpaluto lang ako kay Manang ng noodless. Kailangan ko ng mainit na sabaw para magkaroon ako ng lakas. Maya-maya ay darating na si Ozzy. Matagala na rin ang huli niyang punta dito sa bahay.

Love Outside The ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon