Chapter 04

279 9 0
                                    

GWEN

"Aray! Ano bang problema mo?"

Makasipa naman kasi itong babaeng 'to ang lakas-lakas. Take note, nakatayo po ako. Hindi niya ba naisip na pwede akong matumba. Letse!

"Ang lakas ng loob mo kanina tapos aaray-aray ka diyan ngayon!"

Napairap ako sa kanya. "Hoy, binato mo kaya ako ng ball pen! Akala mo hindi kaibigan, eh."

"We're not friends in the company, Gwen." Sandaling napaawang ang bibig ko sa sinabi niyang iyon. "Alam mo naman na dapat—"

"Oo na po, Boss Leah." Nahampas niya ako sa braso dahil sa pang-aasar ko. Napangiti lang ako nang kaunti. "Nadulas lang talaga ako kanina, hindi na po mauulit."

"Okay, sige." Tumango-tango pa siya. Pagkatapos ay rinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. "I don't know how to deal with Dad, Gwen. Hindi niya ako pinakikinggan. Desidido talaga siyang tanggalin 'yung ibang workers dito."

"Magtatanggal din ba kayo sa ibang branch?"

Umiling siya. "Bakit, lilipat ka ba?"

"No." Pagkatapos ay umupo ako sa upuan na inupuan niya kanina. "Ayoko do'n, baka kasi makasalubong ko pa si Coleen."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "Hindi naman siya nagta-trabaho sa amin, ah."

"Pero malapit lang ang working area niya roon."

Tinitigan niya ako pagkatapos ay nanunukso akong nginitian. "Not moved on yet, Gwen?"

"Naka-moved on na ako, Leah," walang gana kong sabi at itinaas ang dalawang paa sa lamesa.

Silang dalawa ni Venus ang nag-iisip na hindi pa ako nakakausad kay Coleen. Two years ago pa kaya 'yon. Sila itong mga hindi maka-moved on, eh.

Nakangisi niyang inalis ang mga paa ko at hinayaan lang iyong bumagsak sa sahig. Bwiset talaga! Nakasandal ako sa upuan, eh.

"Huwag ka ngang magpanggap, Gwen," seryoso niyang sabi bago ako hinatak patayo. Letse ka, Leah! Nabalian yata ako. Kung makapagsabi pa siya parang alam na alam niya ang nararamdaman ko. "Nasasaktan ka pa rin, 'di ba?"

"Hindi na, manhid na ako."

Nagulat naman ako nang sipain niya ang likod ng tuhod ko. Mabilis akong napaluhod dahil do'n.

"Ano ba, Leah!" nanggagalati kong sabi at dahan-dahang tumayo. "Akala mo ba hindi masakit?!"

Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ako. "Sabi mo manhid ka na, eh." Rinig ko pa ang pagtawa niya na para bang aliw na aliw sa ginagawa.

"Damn you, Delgado!"

"Damn you too, Montances."

Inis na napasabunot ako sa buhok dahil sa inaasta niya. Ang bully niya kahit na kailan. Nakakainis! Kung wala lang talaga ritong CCTV, kanina ko pa siya sinipa palabas ng conference room. Pinaiwan niya lang talaga ako para saktan, eh.

"Boss, hindi mo pa ba ako paaalisin?" tanong ko para makakain na. Nagugutom na rin kasi ako. Saka nag-aabang pa kasi sa akin si Jean sa labas ng kwarto. Ililibre pa ako no'n ng lunch, eh.

"Sa company? Sige umalis ka na."

"Leah, hindi sa company. Lunch break na kaya ngayon," pagpapaintindi ko rito kahit alam kong gets naman niya. "I'm going out, ikaw?" muli ay pagpapaalam ko.

"Inaaya mo ba akong kumain, Gwen?"

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. "Asa ka, Delgado. Boss kita, remember?"

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon