Chapter 23

161 9 0
                                    

GWEN

“Thank you,” saad ko matapos akong abutan ni Sheila ng isang basong pineapple juice. She also prepared us homemade cheesecake na nakapatong sa lamesa sa harapan namin. It looks delicious and mouth watering. Nakakatakam pero nakakahiyang kumuha.

“So, what's up?” panimula ni Sheila nang makaupo ito nang maayos sa isahang sopa. “Kumusta kayo? It's been two years, huh.”

“We're fine,” sagot ko at ngumiti. “I saw you with someone kanina, is he your boyfriend? Mukhang naka-jackpot ka, ah.”

Jackpot na sana pero may asawa na. Ang malas lang siguro talaga nito sa pag-ibig dahil ilang beses ko na ring nasaksihan na iniwan at niloko siya. Hays. Ako pa mismo ang naaawa at nakokonsensiya dahil sa pinaggagawa ng Kuya ko.

I really should confront him later before someone figure it out and makes it more complicated.

“Ah, nakita niyo pala kami,” sambit nito at bahagyang natawa nang mahina--halatang nahihiya. “Yes. . . he's my boyfriend.” Nangingiti nitong kinuha ang platito at humiwa ng kaunting cake na nasa malaking pinggan. “I know you're just shy to took a slice, here take it.” Inabot nito kay Leah ang pagkain na siyang tinitigan lang ng isa. Saglit akong napangiwi sa inasta ng kasama ko at pinandilatan ito ng mata. 

I gave her a thumbs up when she took the plate.  Aarte pa kasi, eh kukunin din pala. 

“Ikaw, Gwen.” My attention automatically goes to Sheila. Her teasing smile is making me uneasy. “Hindi mo pa ako sinasagot kung kumusta na kayo ni Coleen. Kayo pa rin ba? Ilang taon na pala kayo?”

Napakamot ako sa kilay ko nang wala sa oras. Is she really the best friend? Bakit parang hindi siya na-inform?

“We already split two years ago,” sagot ko na lang at sumimsim ng juice sa baso.

“What? Bakit?!” Her face was so shocked, dinaig pa ang reaksyon nina Venus at Leah nang malaman na iniwan ako. Iyong dalawa kasi ay parang naestatwa nang mga oras na iyon tapos bigla na lang napipi. Ibang-iba rito kay Sheila na talagang nagulat at hindi makapaniwala. I just shrugged my shoulders dahil ako rin mag-explain. “I really need to talk to her! Grabe, sobrang boto pa naman ako sa inyo tapos maghihiwalay lang din pala kayo. So, nakakausap mo pa ba siya?”

Wait. Should I tell her na sa amin pa mismo nakatira si Coleen? Eh, mabubuking kaagad niyan si Kuya. Nakaka-guilty naman kung pabigla-bigla. Dadahan-dahanin ko lang siya para hindi masyadong shocking at baka ikahimatay pa nito ang mga sasabihin ko.

“Nag-uusap pa rin naman kami,” sagot ko bago ibinaba ang baso para kapalan ang mukha ko at tumikim ng cake. Pero halos maubo ako kahit wala pa namang kinakain nang marinig ko ang sinabi ni Leah.

“And they still seeing each other everyday.”

Walanghiyang Delgado 'to!

Mabilis na tiningnan ko ang naging reaksyon doon ni Sheila at parang gusto ko na lang magpakain sa sopa nang makita ang pinupukol nitong mapanukso tingin. 

“So, there's still a chance!” masiglang sambit nito at itinaas pa ang hawak na tinidor. Grabe, napaka-bubbly na niya. “Ang tanong, Gwen.” Itinapat nito ang tinidor sa bibig at saka roon nagsalita, “Mahal mo pa ba?”

My body literally stiffened when I heard her sudden question. Hindi ako prepared! Sinulyapan ko si Leah na tila walang narinig at busy lang sa kinakain nito.

“I don't want to lie.” I look down to my plate as I started to taste the cheesecake. Nag-angat ako ng ulo para sana sabihing masarap ang magkakagawa niya sa pagkain pero hindi ko na natuloy dahil naintriga ako ng itsura nito na parang may iniisip na singlalim ng balon. “What's the problem, Shei?” I asked her instead.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon