Chapter 22

148 6 0
                                    

GWEN

“What's going on here?” bulong ko sa sarili habang hinahawi ang nagkukumpulang mga estudyante sa hallway. If I am not mistaken, mayroong nagkakagulo sa unahan dahil dumadagundong ang ingay na nagmumula roon.

Napakunot ang noo ko nang masilayan ang kasalukuyang nagaganap. I saw the same woman I used to called war freak having trouble with a new guy. Again.

Akala ko ay hindi na ulit magtatagpo pa ang mga landas namin pero heto sila at nasa harapan ko na naman. Oo sila nga, hindi siya nag-iisa dahil kasama niya ang kaibigan nitong mukhang mabait at hindi makabasag pinggan. Si Honey Coleen Suarez.

Napasinghap ang lahat ng mga nanonood nang sampalin ni ate mong war freak ang tila kinakabahan na lalaki. Teka. Huwag mo sabihing break-up scene na naman ito? Dapat ko bang masaksihan palagi ang ganito? With that girl?

“Why did you cheat on me, Dan?!” Napatalon ang lalaki sa malakas na singhal na iyon nitong si war freak girl. Tila umalingawngaw iyon sa kabuuan ng campus dahil tahimik lang ang mga tsismosa sa paligid. For clarification, I am not including to these gossipers around me because I just happened to pass by here. Meaning, aksidente lang na nasasaksihan ko ngayon ang lahat ng ito. Hindi ko ugali ang mangialam sa buhay ng may buhay. At nandito lang naman din ako, I will stayed a little bit na lang din.

“S-Sheila, I did everything to control myse--”

Fvck you and all your lies!” sigaw nitong nagngangalang Sheila sa mismong mukha ng lalaki. Sandaling napapikit lang ito roon. “Huwag mo na ulit ipapakita 'yang pagmumukha mo sa 'kin dahil ipabubugbog na kita kay Papa!”

Woah! Pamilya ba sila ng mga gangster? Ang lakas ng loob nito para manakot, eh ang laking tao kaya nitong lalaki na kaharap niya. Mas matangkad siguro rito ang tinutukoy niyang tao.

Sa sinabi ni Sheila ay parang naging balisa ang lalaki. Wala pang tatlong segundo ay nakaluhod na ito sa harapan ng babae at pilit na inaabot ang dalawang kamay nito. “Please don't tell him, Sheila. Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong isumbong kay Tito Shinobi.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon