Chapter 15

159 7 0
                                    

LEAH

“Hey, stop pouring my glass!” Inilayo ko rito ang baso na kasalukuyan niyang nilalagyan ng vodka. “Walang maghahatid sa inyo kapag nalasing ako.”

“I don't care!”

“No need to shout.”

“Hindi naman ako sumisigaw, eh!”

Hindi raw.

I shake my head in amusement. Umaarte siyang bata ngayon, pagbibigyan ko nalang at minsan lang din 'tong mangyari. Gwen and I were still up pero ako nalang ang umiinom sa amin, si Jean kasi ay bumagsak na sa sopa dahil sa kalasingan kanina.

Pinagmasdan ko ang babae na nasa gilid ko. She's leaning on my shoulder at inaantok na. Hindi ko mapigilan na ngumiti habang inaalis ang iilang hibla ng buhok na humaharang sa maganda niyang mukha.

She's beyond the word beautiful.

That's how I describe this girl named Gwen Montances. Hindi lang kasi itsura ang maganda sa kaniya kundi pati ugali at kalooban niya. Hindi na rin ako magtataka kung bakit gusto ko pa rin siya hanggang ngayon.

Nah, scratch that.

The truth is, I love her.

Nauna pa ang feelings ko kaysa sa relasyon nila ni Coleen. Meaning, I like her even before she noticed her ex. Kaya ganoon nalang ang pag-init ng dugo ko nang aminin sa akin ni Gwen ang nararamdaman niya para sa babaeng 'yon.

That should be me.

Ako dapat 'yong nagustuhan niya at hindi si Suarez. I damn felt it before, ramdam ko ang pagtingin sa akin ni Gwen noon nang hindi pa dumadating si Coleen. I almost made her confused and all. Pero bigla nalang sumulpot ang epal sa buhay ko. Coleen ruined what I have started.

Ewan ko kung anong ginawa niya para manatili pa ring nakatali sa kaniya ang taong mahal ko. Ginayuma niya ba si Gwen o ano? Bakit hindi pa rin nakakausad itong kaharap kong ito sa kaniya?

“Leah!” she snapped at me. Nakalabi na ito sa harapan ko habang nakatitig sa akin ang mapupungay niyang mga mata. Napalunok ako nang tumama ang paningin ko sa kulay rosas nitong labi.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon