Chapter 31

155 6 4
                                    

COLEEN

"Wala namang mababago kapag sinabi ko 'di ba? And even if you really mean what you said and what you did, I guess doon na lang 'yon."

Her expression that night never left my mind.

Hanggang ngayon na kahit dalawang araw na ang lumipas, nakikita ko pa rin ang emosyon ng mukha niya---pagkalito at pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni Gwen matapos ko siyang sagutin. From being bland then it changed to being dazed, and it only explains that she didn't expect me to say that.

Dapat ba sinabi ko sa kaniya ang ginawa niya nang gabi na iyon? I think, hindi na niya kailangang marinig ang tungkol doon dahil gaya ng sabi ko, wala nang mababago pa sa kung ano mang nangyari noong gabi na iyon nang nalasing siya.

"Let's just wait for George para mai-akyat ka namin sa kuwarto mo," I whispered to her and give her a light kiss on her temple. Napangiti ako habang marahang hinahaplos ang buhok nito. "Goodnight sleepyhead, have a sweet dreams."

Patayo na sana ako nang bigla niya akong hinigit dahilan para mapayuko ako. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang biglang tinanggal ni Gwen ang pagitan ng mga labi namin para paglapatin iyon. I saw how she closed her eyes while she remained her lips on my lips. Her nose touches mine when she gently tilted her head to deepened the kiss.

Hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil hawak nito ang isang kamay ko na nasa ibabaw ng dibdib niya. She still laying flat on the couch while I almost straddle her legs. Mabuti na lang talaga at nagamit ko ang isa ko pang kamay at naitukod ko rin ang isa kong tuhod sa pagitan ng mga hita niya para hindi ako tuluyang bumagsak.

Natauhan na lang ako nang mawala ang malalambot niyang labi sa akin. She pulled out from the kiss but she still in eyes closed. Napatayo ako at napaayos ng sarili para humigop ng hangin dahil para akong nawalan ng oxygen sa katawan. Hindi rin nakatulong ang pag-iinit ng pisngi ko kaya 'di ko siya muling matingnan. Grabe, it lasted for only ten seconds pero ang lakas ng epekto sa puso ko ngayon ay kumakabog na.

"It's unfair."

"Wha...what?" tanong ko nang magsalita na lang siya agad habang nakatitig ito sa akin. What's unfair is she saying? Eh, mas unfair pa nga sa akin ang halik na ginawa niya!

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon