Chapter 37

174 6 0
                                    

COLEEN

"And nakilala mo na ako after that?" Tipid na tumango lang ako kay George. Hindi ko masabi kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip niya. Sigurado ako na marami siyang katanungan. "Hindi mo man lang siya binalikan para ipaliwanag 'yong nangyari?"

"I tri--"

"Alam mo ba kung ano 'yong pinagdaanan ng kapatid ko noong iniwan mo siya? She keep on saying na iniwan siya ng taong mahal niya pero wala kaming ideya kung sino, paano, at bakit. She became miserable because of you! Did you know that?"

"George..." I called out but he only hissed at me with disappointment.

"Alam mo ba na magkapatid kami?"

Hindi ako nakasagot agad dahil kinakabahan ako sa maaaring susunod na mangyari.

"Sumagot ka, alam mo ba na kapatid ko siya?!" Tumaas ang boses niya dahilan para mapatalon ako sa takot.

"I...I just figured out."

"Pero pumayag ka pa rin na pakasalan ako kahit alam mo na?" His eyes became more violent. Nag-iwas ako ng tingin at napatango lang. "Ang galing mo para gamitin ako. You just used me. So para saan pa 'yong vow na ginawa mo noong ikinasal tayo? What's that? Pagpapanggap lang?!"

"George..."

"Don't use that voice to me, Coleen!"

A sudden knock on the door saved me from his anger. Kasunod ng katok ang pagtatanong ni Tita Grace kung ayos lang ba kaming dalawa. Si George ang sumagot sa kaniya na okay lang ang lahat dahil s-in-ignal-an niya ako na tumahimik at huwag sumagot dito.

"Para sa kaniya ba 'yong vow na 'yon, ha?" Bumalik sa normal ang tono ng boses niya pero may riin ang bawat salita. He's giving me a death glare, at kung nakakamatay man ang tingin nito, kanino pa ako binawian ng buhay.

I stared at him, hoping that it will calm him down. Pero kabaliktaran ang nangyari, mas nanggigil pa ito sa galit. "Believe it or not, para sa 'yo ang vow na 'yon."

"Oh come on, you're a good liar, paano ako maniniwala sa 'yo?"

"Don't believe me if that's what you want. I regret that vow anyway," I nonchalantly said before standing up from the bed. Pero bumalik din ako nang upo nang marahas niya akong itinulak. "You vowed to always protect me pero ikaw na 'yong nananakit ngayon," hindi ko mapigilang iparinig sa kaniya.

"Asawa kita kaya kahit ano ay puwede kong gawin sa 'yo."

"Not anymore that I am breaking up with you." Namilog ang mga mata nito habang nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. I finally got to stand up without him stopping me. Palapit na sana ako sa pinto para umalis na sana nang bigla niya akong hablutin sa buhok at sakalin nang mahigpit. Kung hindi ko pa siya pinaghahampas ay tutuluyan ako nito. Nagkanda-ubo-ubo ako matapos akong makawala sa kaniya.

"Serves you right, woman. Hindi ka makikipaghiwalay sa akin. Sa akin ka na, Coleen. Sa akin ka na!"

"Nababaliw ka na!" I exclaimed that made him stunned by surprise.

"You made me like this," paos nitong sambit matapos ang ilang minuto bago dahan-dahang napasandal sa kama at tuluyang naupo sa sahig. He look so weak at this point. Wala akong magawa kun'di ang titigan siya. "Akala ko mahal mo 'ko pero hindi pala. Akala ko sapat na lahat ng ginawa ko pero hindi pa pala. Akala ko lang pala ang lahat! I love you too much, Coleen! This is not the life I expected together with you. Bakit naging ganito tayo?!"

"I loved you, George, I did." Lumuhod ako pero dinistansiya ko ang sarili sa takot na baka ulitin niya ang ginawa niya. "I tried to love you pero hindi pa rin mawala sa isip ko si Gwen. I'm so sorry, sinubukan ko talagang mahalin ka pero hindi talaga kaya ng puso kong palitan ang kapatid mo."

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon