Chapter 24

152 7 0
                                    

COLEEN

Paakyat na sana ako sa hagdan para pumanhik sa kuwarto namin nang magulat ako sa malakas na pagsarado ng pinto.

Shit. Ano ba 'yon?

Hindi pa man ako nakakalingon para tingnan ito ay nagmamadali na siyang dumaan sa gilid ko at nauna pa sa aking umakyat.

Napakunot ako ng noo. What was that? Is she okay? May problema ba ito para umakto nang gano'n?

I run after her kahit na hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa kaniya, kung may nanakit ba sa kaniya o may nang-inis. Also, I want to know if she's hurt.

I blocked her way and held her wrist.

“Let go, Coleen.” Hindi ko siya pinakinggan at sa halip ay ako pa mismo ang humila sa kaniya papasok sa sarili nitong room. Inis na napasigaw na lang siya matapos kong maisarado ang pinto at binawi ang kamay mula sa akin. “I said let go of me, hindi ko sinabing ipasok mo ako rito!” she shouted as if I made the biggest mistake. Bakit ba ang init ng ulo ng babaeng 'to?

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinuli ang mga mata nito para tumingin sa akin. “Sinong umaway sa 'yo? May kaaway ka ba?” I asked her but she only remained standing while staring at my eyes. Pero kahit hindi na ito magsalita ay alam kong hindi maganda ang nararamdaman niya. Her eyes were already making its contact to me, at sinasabi ng mga mata na iyon na nasasaktan siya ngayon. “Who hurts you, Gwen? Anong ginawa niya sa 'yo?” I asked her again pero katulad kanina ay nakatulala lang ito.

Kahit na nagtataka ay lumakad ako palapit sa kaniya dahil nakikita ko na rin ang pamamasa ng mga mata niya. I pull her to me and stroke her hair to at least make her feel better. Akala ko ay magtatagal ang posisyon naming iyon pero itinulak niya ako palayo.

“Don't touch me!”

Nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw na naman ito pero mabilis din akong nakabawi. “S-Sige. . . pero huwag mo naman sana akong sigawan, Gwen.”

Napakurap ito na tila nahimasmasan sa ginawa niyang pagtulak at pagtaas ng boses. Nanatili lang siyang nakatulala sa akin at kalaunan ay napaiwas na lang ng tingin.

I sighed in defeat. “I'm going out as you wish pero kung kailangan mo ng kausap, I'm just in our room.” Mukhang hindi naman na kasi siya magsasalita at talagang ayaw nito sa presensiya ko kaya mas mabuting lumabas na lang ako.

Bukas ko na lang siguro siya kakausapin kapag malamig na ang ulo nito.

“Coleen. . .” I heard her say before I'll be able to open the door. Sobrang baba ng boses niya at may kalamigan din dahil tila gininaw akong bigla sa paraan ng pagkakabigkas nito sa pangalan ko. “I'm sorry. . . sorry for shouting at you. I--I didn't mean it.”

Napahinto ako sa balak na paglabas sa kuwarto at muling lumingon sa gawi niya. She's still in that position, malamyang nakatayo at parang wala sa sarili. There's no emotion written on her face. Blangko lang at hindi ko mabasa.

“Pasensiya ka na kung nadadamay ka sa init ng ulo ko. I'm really sorry, Col.”

“You cried,” puna ko sa mga mata at ilong nitong namumula kaya napaiwas ito ng tingin para maitago ang mukha. “Nag-away ba kayo ni Jean?” I asked her.

Umiling lang ito sa akin.

“Then who is it?”

“It's Leah.”

Dahan-dahang gumapang ang pagtataka sa akin. Nag-away sila ni Leah? Bakit naman siya sasaktan ng babaeng 'yon kung ito ang pinaka-itunuturing niyang malapit na kaibigan? Ang alam ko ay ayaw na ayaw ni Leah na sinasaktan siya ng kahit na sino dahil ikagagalit nito iyon. So what happened now?

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon