Chapter 26

147 8 1
                                    

COLEEN

Napahinga ako nang malalim matapos kong makaupo sa sopa. Kauuwi ko lang galing sa trabaho kaya naisipan ko na munang magpahinga sandali bago umakyat sa kuwarto. Alas-nuwebe na ako nakauwi dahil dumaan pa ako kina Sheila para bumisita saglit.

We just talked about each other's day and plans in the future. Pinagkuwento niya rin ako tungkol sa buhay may asawa which is I didn't sugarcoat anything to answer. I shared my everyday routine na paulit-ulit lang and the plan of starting a family--na siyang naiintindihan naman niya. Sinabi ko rin ang dahilan kung paano at bakit ako natali kaagad sa edad na 24. Although, magtu-twenty five na ako this year but 24 lang ako noong ikinasal ako kay George.

Tinanong rin ako ni Sheila tungkol sa paghihiwalay namin ni Gwen dahil hindi niya iyon nagawa noong una kaming magkita dahil sinamahan ako ni Gwen sa bahay nila kasi kakausapin niya rin daw ito. But what exactly happened yesterday was just completely a reunion---walang pagtatanong sa past na naganap kun'di ay puro life status sa present day lang ang pinag-usapan namin.

Naisipan kong tumayo at pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Walang tao rito sa baba at tapos na rin silang kumain dahil kita ko ang may takip na nakahaing ulam sa lamesa. Usually kasi ay pinauuna na talaga naming kumain sina Tita Grace at Tito Gregory dahil gabi na kami umuuwi at minsan ay mas ginagabi pa sa daan.

Pagkatapos kong makainom ay pumanhik na ako paakyat sa kuwarto para mag-half bath. After cleaning myself, I changed my clothes then I went to Gwen's room para ayain itong kumain dahil baka hindi pa siya kumakain at nagpalipas na naman ng gutom. Isa pa, kailangan ko siyang kausapin tungkol sa gaganapin na birthday ni Tita. Kailangan na naming magpa-book sa hotel ng kuwarto kung matutuloy man kami sa beach.

Kumatok ako sa kuwarto niya pero lumipas lang ang isang minuto at hindi pa rin bumubukas ang pinto. Sa pagkakaalam ko, today is her day-off. So nasa'n siya ngayon? Hindi naman siya gumagala o lumalabas nang ganitong oras kapag pahinga niya.

Bumalik ako sa kuwarto para kunin ang cellphone ko sa bag, nagtipa ako ng text message sa number niya.

Where are you? I think we need to finalize the location of your mother's birthday.

Then I send it to her.

Sa hapag-kainan ko na hinintay ang reply niya dahil kailangan ko na ring kumain ng hapunan. Hindi ko na hihintayin si George dahil nag-text siya sa akin kanina na mahuhuli na naman siya ng uwi ngayon. Kulang na lang ay isipin ko na baka nag-iba talaga siya ng oras sa mag-out kaya siya palaging ginagabi. Pero hindi ko rin iyon sure dahil hindi naman niya sinasabi.

I'm placing my plate on the table when my phone suddenly rings--ibig sabihin ay may tumatawag. Nang kunin ko iyon sa ibabaw ng lamesa ay pangalan ni Gwen ang nakita ko.

“Gwen,” sagot ko sa tawag.

“Hey, Col...uhm, sorry pero hindi muna ako makakauwi tonight sa bahay. Pakisabi na rin sana kina Mama.”

So, wala nga siya rito. But it's already late. Pero tumango-tango lang ako kahit pa hindi nito nakikita. “Sige, bukas na lang,” sagot ko dahil wala rin naman akong magagawa.

“And I also can't tomorrow.”

Napakunot ako ng noo sa narinig. “Bakit? Are you on your vacation ba? Nag-leave ka ba sa work mo?”

Rinig ko sa kabilang linya ang paghinga niya nang malalim. “Yes, parang ganoon na nga. Siguro tomorrow night pa ako makakabalik diyan. Pero iyong plan sa birthday ni Mama, puwede naman tayong mag-usap over the phone. Basta 'pag may tanong o suggestions ka, tawagan mo lang ako.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon