Chapter 12

187 8 0
                                    

GWEN

My eyes shot opened when I hear a loud noise. Inangat ko nang bahagya ang katawan ko para abutin ang tumutunog na alarm clock sa bedside table at patigilin ito. Pagkatapos no'n ay huminga ako nang malalim bago muling humiga sa kama.

My brain feels like it's going to tear apart. Although I didn't felt it, that's how I define of having an hangover. Ang sakit sa ulo. Parang ang layo nang tingin ko sa lahat ng mga bagay na nandito sa kuwarto.

Damn. Ano bang ginagawa kapag nakakaranas nang ganito? Caused hell! This is my fvcking first time! Ang hirap pala nang may hangover. Ang sakit sa ulo at ang hirap kumilos. Parang gumagalaw pa rin kasi ang paligid simula kagabi hanggang ngayon. Argh! This is so bad. Paano ako makakapasok ngayon sa trabaho?

Sisiguruhin ko talagang hindi na ito mangyayari pa ulit dahil hindi na ako sasama pang muli kay Leah. She's the one who dragged me to go to that place. Hindi ako pumayag pero pinilit niya akong pumasok doon sa bar na 'yun. It's all her fault. Kahit kailan talaga ang bad influence niya sa akin. Nadamay pa tuloy pati si Jean.

Kailangan kong matawagan si Leah at sabihing hindi ako makakapasok ngayon. Late na rin naman ako kung itutuloy ko pa. It's already 10:00 in the morning. Tapos ang pasok ko ay 8:30 AM.

My gosh! Paano na kaya ako mapo-promote nito? May record for being late na ako, at higit sa lahat, may record na ako for being absent. Aish! Hindi na 'to pag-aaral na puwedeng bumawi sa susunod na araw. Sayang ang sahod at possible promotion ko!

"Gwen!"

Mabilis na dumako ang paningin ko sa may pintuan. There's Jean, she's now standing in the doorframe. Anong ginagawa niya rito? Bakit hindi naka-lock ang pinto?

"Hindi ka rin pumasok?" Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Nakangiti itong tumango at lumapit sa akin. Tiningnan ko lang siya nang seryoso. "May dala ka bang gamot, Jean? Nahihilo ako."

"Sabi ni Coleen, may gamot daw sa drawer mo."

Napakunot naman ang noo ko roon. "She told you that?"

I didn't have any medicine here in my room. Hindi naman kasi ako umiinom ng kahit anong klase ng gamot. Usually kasi kapag may sakit ako pinapahinga ko lang tapos okay na kinabukasan. Nilagay ba 'yun dito ni Coleen?

"Oh, nandito nga." Pinakita niya sa akin ang isang pakete ng gamot na nakuha niya sa drawer. "Wait lang ah, ikukuha lang kita ng tubig sa baba."

Tumango lang ako kay Jean bago ito lumabas ng kuwarto. Wala pang kalahating minuto ay bumalik na siya at umupo sa gilid ng kama. She extended her right arm to hand me the bottled water.

"Thank you." Wala na akong nagawa pa at ininom nalang ang gamot na iyon. Para rin naman sa ikabubuti ko 'to at para na rin tumigil na ang sakit ng ulo ko. Pagkatapos kong uminom ay binalik ko sa kanya ang tableta at bote ng tubig. "Kanina ka pa ba rito, Jean?" halos pabulong ko nang sabi.

"No," she replied with a smile. Tinapik-tapik pa nito ang ibabaw ng ulo ko na parang bata. "Magiging okay ka rin, Gwen. Hangover lang 'yan."

Naningkit naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kung makapagsabi naman ang isang 'to parang ang lala nang nararamdaman ko ngayon. Pero bakit siya hindi naman nahihilo katulad ko?

"Bakit ikaw walang hangover?"

Ang unfair, eh!

"Ewan ko, basta inisip lang kita tapos naging okay na ako." Napailing lang ako sa kanya. Nangingiti pa itong umatras nang kaunti para matitigan ako nang maayos. "Ang cute mo ngayon, Gwen."

"Ang lakas ng trip mo, Jean. Lumabas ka nalang kung mang-aasar ka, ah." Nahahawa na siya sa ugali ni Leah. Pareho na silang nakakainis.

"Grabe ka naman sa akin. Kaya nga ako nandito para alagaan ka, eh."

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon