Chapter 29

162 7 5
                                    

TW: Sexual Harassment

~•~

COLEEN

Napangiwi ako sa diri nang bumulwak ang lahat ng kinain ni George mula sa bibig niya. Bago pa siya muling magkalat sa kama ay mabilis ko nang tinungo ang banyo para kumuha ng maipanlilinis ko sa nakakadiring isinuka nito.

Bumalik ako nang may dala ng tuwalya at naabutan ko itong umuubo habang nakatungo na ang ulo sa higaan. Marahan ko itong inurong palayo sa sinukahan niyang parte ng kama para malinis ko na iyon. Pagkatapos ay bumalik akong muli sa banyo para roon padaluyan ng tubig ang tuwalyang marumi na ngayon. Sunod kong nilinis si George at hinubaran ng pang-itaas na damit dahil nadumihan din iyon.

Habang kumukuha ako ng pamalit niya sa dala naming bag ay nagulat na lang ako nang may dumaan na mainit na balat sa braso ko. Mabilis akong napatayo dahil sa ginawa nitong hindi ko inaasahan.

I swallow a lump in my throat when I saw his dark aura as he smirk with a lustful eyes. Nakakapanibago ang tingin nito dahil para siyang ibang tao ngayon at iba sa taong pinakasalan ko. Dala lang ba 'to ng alak? O talagang matagal na niya itong itinatago?

Walang salita na napaatras ako habang mahigpit ang hawak sa t-shirt na sana ay isusuot ko sa kaniya. Nakabalandra ang hubad na katawan nito sa akin habang umaabante siya ng lakad. Napahinto ako sa pag-atras nang maramdaman ko na napuntahan ko na ang sulok ng kuwarto.

“George...what are you thinking?” lakas-loob kong tanong at sinalubong ang tingin nito na ibang-iba talaga. Kahit na alam ko na ang binabalak nito ay gusto ko pa ring makasiguro.

“I want you, Col,” walang pag-aalinlangan nitong sabi bago ako pasadahan ng tingin paibaba. “Can I have that body tonight? I deserve it.”

Hindi nga ako nagkamali. He want to do it with me right now. Ang hindi ko pa rin maibigay sa kaniya simula nang maikasal kami.

“Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? I'm not ready for that.”

“Hindi naman tayo gagawa ng baby. Let's just do pure sex, Col. Gagamit ako ng protec---”

Hindi na natapos nito ang sasabihin niya nang dumapo ang palad ko papunta sa pisngi nito. Hindi lang iyon namula kun'di ay nagdugo pa ang labi nito dahil sa lakas ng sampal na iyon.

Marahas kong ibinato sa kaniya ang damit. “We have a condition, George. I won't do sex but make love! At ano bang hindi mo maintindihan sa salitang hindi pa ako handa sa ganoon?” nagpipigil ng galit kong singhal.

“At kailan pa, Coleen?! Hindi ko na kayang maghintay! Ang tagal-tagal nang natengga ng honeymoon natin!”

Hindi makapaniwala na tinitigan ko ito. “Ikaw pa ang may ganang sumigaw ngayon matapos mo akong harass-in nang ganito?” Pagak na pinatawa ko ang sarili ko. “Grabe ka naman, George, tigang na tigang ka na ba talaga? Mahiya ka naman sa 'kin. And I want to tell you that honeymoon is not always be done after wedding! Lalo na kapag hindi pa handa ang pinakasalan mo!”

“Darn it, hindi kita hina-harass! Ikaw dapat ang nagbibigay ng sarili mo sa 'kin pero ako pa itong parang nagmamakaawa sa 'yo. Nakakapagod ka na ring hintayin!”

“Eh 'di lumabas din ang totoo,” mapait na sambit ko at tiningnan siya ng buong pagkadismaya. “Katawan ko lang din ang habol mo sa 'kin tulad sa nakasanayan mong gawin noon sa Cali. Akala ko ba mahal mo ako kaya mo ako pinakasalan? O baka gagawin mo lang din akong parausan matapos kong matali sa 'yo? Para iisa na lang akong babae sa buhay mo? Ganoon ba, George?”

Tila nahimasmasan ito sa mga pinagsasabi ko, umakbang ito para abutin ako pero hindi ako pumayag na mahawakan niya. “Of course not, Coleen. Hindi iyon dahil doon. It's true when say I love you, and don't ever question that. Pumayag ako sa kondisyon mo kasi mahal kita, hinihintay kita hanggang ngayon kasi nangako ka na mamahalin mo rin ako at bubuo tayo ng pamilya,” saad nito bago muling humakbang dahilan para mapaatras akong muli. “Huwag ka namang umakto na parang pinipilit kita, it's normal to me because I'm a man. I am sorry kung ganoon iyong dating no'n sa 'yo, hindi ko lang kasi mapigilan dala ng alak. My hormones is also kicking in, babe, so can you at least...” He motion me to look at his thing between his legs but I didn't follow him.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon