Chapter 05

290 9 0
                                    

GWEN

Nakasimangot ako habang nakaupo sa ilalim ng puno. Leah asked me to watch her game. Which I unwillingly said, Yes. Nandoon na siya ngayon sa field, naglalaro ng paborito niyang soccer. Actually practice lang talaga ito. Masyado lang siyang mayabang para ipakita raw kuno ang skills niya. Psh! As if namang ma-amused ako sa ginagawa niya.

"Gwen, mukha kang ewan diyan. I-ayos mo nga 'yang mukha mo!"

Mas lalo lang akong napasimangot nang marinig ang nakakairitang boses ni Venus. Letse! Pati itong maingay na 'to sinama pa ni Leah. Dapat si Ven nalang mag-isa ang pinanood niya, tutal ang lakas naman ng boses nito for cheering.

"My Gosh, ang galing ni Delgado!"

Napairap ako sa ginagawa ni Venus sa tabi ko. She's shouting and giggling at the same time, nakakarindi ang boses niya!

"Go, Leah. Go, Leah!"

Nang hindi ko na kinaya ang pagtitimpi ay tumayo ako at naglakad palayo. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Venus sa pangalan ko. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa paghakbang paalis sa field.

Napagpasyahan kong pumunta sa cafeteria para bumili ng tubig para sa aming tatlo. Nakakauhaw din kaya umupo at tumunganga roon ng isang oras. Kailan ba kasi matatapos ang letseng laro na 'yun? Uwing-uwi na ako kanina pa.

"Ouch!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang malakas na daing na iyon. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap kung kanino iyon nanggaling.

"Fvck you, Sheila! Niloko mo ako," malakas na sigaw ng lalake habang dinuduro iyong babaeng kaharap niya. "Who's the new guy, huh?!"

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon