Chapter 34

178 7 1
                                    

three years ago...

COLEEN

Three days later, naging malapit kami ni Gwen sa isa't isa. We talk almost everyday, nagtatanong kami ng naging araw ng bawat isa at kung anong planong gawin para bukas. We exchanged cellphone number too. Tapos nagse-share na rin kami ng foods sa isa't isa kapag break time.

Hindi naging hadlang ang magkaiba naming course dahil sinasadya ko talaga na palagi siyang makita at makausap. And of course, iyong kaibigan niyang si Leah, lantaran na talaga ang pagkaayaw niya sa akin dahil laging kinukuwestiyon ang presensiya ko. Ang palagi kong rason sa kaniya ay dahil magkaibigan na rin kami ni Gwen, just like her---na siyang ikinakatahimik na lang niya. She even brought up that I'm 'stalking' her friend which I refuted. Hindi naman kasi iyon stalking, 'di ba? That was completely crushing over a crush. Wala naman akong ginagawang masama, at hindi rin naman ako kumukuha ng pictures.

But despite the fact that Leah dislikes me, hindi ko na lang siya pinapansin dahil baka lumaki pa ang gulo. So instead, I treat her like a friend too, katulad ng treatment ko kay Venus ang pinapakita ko sa kaniya.

+++

Three weeks later, mas naging close kami ni Gwen. Minsan ay sabay na kaming pumapasok, nagkikita lang kami sa isang kanto kung saan may convenience store na puwedeng paghintayan tapos sabay na kami sa university. At kapag natapos naman ang klase, 'pag minsan nauuna siya o ako, we still wait for each other---minsan kami lang pero kadalasan ay kasama namin iyong dalawa tapos ako with Sheila, pumupunta kaming lima sa fast food para kumain.

We explore Manila after our classes, minsan tambay kami sa Rizal Park at Intramuros kapag gabi. Tapos Manila Bay kapag palubog na ang araw, tamang kain lang ng street foods habang nanonood ng sunset at nakikinig ng music.

The routine became a habit and everytime I get a chance to be alone with her, my heart was throbbing in a good way.

+++

After one month, umamin na ako sa kaniya.

I told her what's inside my heart, naiyak pa nga ako sa harapan niya habang sinasabi ko ang lahat sa way na maiintindihan niya. But I guess, I was wrong about expecting that she'll understand. She didn't uttered any single word, and instead, she walked away from me. Ni hindi man lang siya lumingon para tanungin kung nagbibiro lang ba ako.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon