Now Here With You

239 9 0
                                    

E P I L O G U E

×××

Alam mo 'yong parang tumigil iyong mundo mo noong nakakita ka ng maganda sa paningin? Iyong sa sobrang pako ng mga mata mo sa tao na iyon ay tila bumagal ang lahat kahit na sobrang ikli lang naman ng pangyayari.

That's how I felt when I saw her for the first time.

Noong pumasok siya bigla sa usapan ay hindi na gumana ang pandinig ko dahil sa labis na pagpokus sa mukha niya habang gumagalaw ang kaniyang bibig. Wala akong maintindihan pero alam kong ayaw pa rin magpaawat ng kaibigan kong si Sheila kahit siya naman ang mali sa pagbunggo sa babaeng mukha ring palaban.

Hindi maganda ang unang pagkikita namin pero mukhang hindi naman niya ako natandaan nang magkita kami ulit noong saluhin niya ang bola na tatama sa akin. Gusto ko sanang tingnan iyong kamay niya at kumustahin kung nasaktan ba siya pero natutop ang bibig ko at nanatili na naman akong tulala sa mukha niya.

She's beautiful, inside and out.

Sa ilang araw na pagsunod ko sa kaniya ay nakilala ko ito kahit na papaano. Mas naging interesado ako sa kaniya dahil nakita kong mabuti siyang tao sa paraan ng pagtrato niya sa iba.

I like her.

For the first time, I fell in love. Hindi ako nakaramdam ng kahit na anong negatibo dahil babae rin siya gaya ko kasi alam kong totoo iyong nararamdaman ko para sa kaniya.

Naging magkaibigan kami hanggang sa umamin akong espesyal siya sa 'kin. Hindi naging madali noong una pero sa huli ay naging kami rin, patago pero hindi namin ipinagkaila ang kung anong meron kami sa mga taong nagtatanong. Being with her was the happiest I've been all my life.

Sinisi ko si Leah at ang parents ko noong magkahiwalay kami dahil tila hindi ako makagalaw nang hindi siya kasama. Hanggang sa pumasok sa buhay ko si George at nagpakasal kami. Hinding-hindi ko makakalimutan iyong araw habang lumalakad ako sa altar habang nagpapatugtog siya ng piano. She don't have an idea how many times I want to runaway and take her with me. Pero mas pinili kong tumuloy at itali sa kapatid niya dahil kinain ako ng galit nang 'di siya pumayag na umalis noon kasama ko.

I tried to fulfill my responsibility to George but I can't help but stopped him when he was about to touch me. Ilang beses na-postpone ang honeymoon namin hanggang sa humanap siya ng iba. Nasira kami at nagkahiwalay dahil matagal na rin naman kaming naglolokohan. At ang masakit pa roon, si Sheila ang nakilala niya at naging karelasyon sa loob nang mahigit isang buwan. Mas lamang pa ang sakit na naramdaman ko para sa kaibigan ko kaysa sa katotohanang niloko ako ng asawa ko dahil ang totoo, mahal ko pa rin ang dati ko nang minahal.

Si Gwen.

May nangyari sa amin pero wala namang kaso roon dahil hiwalay na kami ni George. Muli kaming hindi nagkaintindihan pero sa dulo ay pumayag din siya sa gusto kong magkaroon ulit kami ng relasyon na higit sa pagkakaibigan pero hindi pa opisyal dahil hindi pa naaayos ang lahat. We spent a little time together until something came up, my mother was in a critical condition that I had to go and see her abroad. Nagkahiwalay kaming ulit ni Gwen hanggang sa kinausap niya akong unahin ko muna si Mom at ayusin ko muna ang pagwawalang-bisa ng kasal sa kapatid niya. I agree with her because I know that she was right. We have to fix ourselves first.

Presently, here I am inside of the court because today is the judgment time for I and George's annulment. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng lahat ng pinaghirapan ko. Iyong unang appeal kasi ay hindi nagkaroon ng magandang bunga. It was denied by the court. Pero ngayon, magtatagumpay na ba akong makalaya o hindi? Sasapat ba ang dahilan na ibinigay ko ngayon sa hukom para maipanalo ko ang bagay na 'to? Ngayong araw iyon masasagot at matutuldukan.

I'm hoping for the best.

This day is the most awaited time for all of us dahil  maraming nangyari bago ako nakarating sa dulong bahagi ng pagwawalang-bisa na ito ng kasal namin ni George. May nagpaliwanag sa akin ng katotohanan tungkol sa pagkatao ko, may nagpaalam na mahal ko sa buhay, may dumating na balita na nanggulat sa aming lahat, may nadagdag na miyembro sa pamilya, at may naayos na pagsasama at paniniwala.

Ang daming naganap pero itong araw na ito ang gustong-gusto kong maipanalo. Winning this freedom means winning back my Gwen again. And speaking of her, hindi niya alam na ngayon ang final verdict sa annulment appeal na ipinasa ko sa pangalawang pagkakataon.

“Upon reviewing all the requirements and one strong ground for annulling the marriage of Mr. George Vincennes Montances and Mrs. Honey Coleen Suarez Montances,” dinig kong sambit ng hukom habang hindi inaalis ang tingin ko rito. I already heard the same statement before but I am hoping for something good this time. Please, not again. “The appeal for requiring their marriage as nulled is...”

I put my hands together and pray for the good result as the judge seems to trailed off on purpose.

Ngumiti ito sabay bigkas ng “Granted!” kaya napatayo akong bigla dahil sa halo-halong emosyon. My tears fell down my cheeks as I stared at the judge who still has something to tell. “Today, year 2023, July 24, I announced the marriage of the said individuals nullified, and they are now free from being a married man and a woman.” Then he sealed the sentence by using the gravel. 

Hindi natigil sa pagluha ang mga mata ko habang tumitibok nang malakas ang aking puso. Ang saya at sarap sa pakiramdam. I won. We won.

“Thank you,” I said unconsciously while still maintaining my eyes to the judge. Nakita kong binigyan ako nito ng ngiti at pagkatapos no'n ay naiwan na lamang akong mag-isa sa loob ng court room na nilisan ko rin matapos ang ilang minuto.

I breathe out and smile widely as I can.

This is it.

Finally, makakapag-umpisa na muli kami nang walang matatapakang iba. All throughout my journey, I have a lot of things that I learned and I realized. Hindi dapat talaga nagmamadali sa pagdedesisyon at hindi dapat pinaiiral ang emosyon kapag nagdedesisyon. Sabi nga nila, take your time to decide para mapagnilay-nilayan mo pa ang mga bagay-bagay. Kung mahirap at magastos ang pagpapakasal, mas mahirap at napakagastos ng pagwawalang-bisa ng kasal. Hindi trial and error ang marriage, it's a responsibility and commitment that you should fulfill as you live.

Sa naranasan ko, ang dami kong pagkakamali at natuto ako sa mga iyon. Even George, I saw how he became better than before and how he make himself better for his own family. Masaya ako para sa kaniya at para sa kanila. Napatawad na rin namin ang isa't isa at naka-move on na rin sa mga nangyari. We are good friends now. Speaking of friends, kami ni Leah ay naging magkaibigan na rin at naging ayos na ang pakikitungo sa isa't isa. Hindi na kami nag-aaway gaya noon. And oh, I couldn't believe who she ended up with but I'm really happy for the both of them. Sila na ring dalawa ang madalas magbayangan sa grupo. Sina Venus at Rona naman ay engaged na at ikakasal na next year.

And especially, my baby Gwen who didn't change a bit. Siya pa rin iyong dati kong nakilala, mas minahal ko lang ngayon. Ugh! I can't wait to see and hug her tight. Gusto ko na rin sabihin sa kaniya ang good news na meron ako. For sure pati ang family niya ay matutuwa, especially his brother and her parents. Though hindi naging maganda ang naidulot ko sa anak nila o namin ni Gwen sa isa't isa noon, hindi nila ako pinagsarhan ng pinto para magpaliwanag at ipahayag ang nararamdaman ko. Actually, nawalan na lang sila ng laban kasi kitang-kita naman na totoo iyong pinapakita namin ni Gwen sa kanila. We promise to them that we stick to each other this time and will never let go again.

I might once became a Montances because of his brother but this time ay hindi na iyon mangyayari. It won't happen again because now that I am already free, sa kaniya ko na ibibigay ang pangalan ko. Since we're starting over again, I think that's better than having her name on mine.

Gwen Montances-Suarez.

Paulit-ulit iyon sa utak ko hanggang sa napangiti ako nang malawak.

“It sounds beautiful.”




—THE END—

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon