Chapter 03

323 13 0
                                    

GWEN

"Hey, watch out!"

Mabilis na napatakbo ako sa kinaroroonan ng babae at walang pag-aalinlangang sinalo ang bola gamit ang mga kamay ko.

Damn, ang sakit!

Halos matumba pa ako nang tumama iyon sa mga palad ko. Ang lakas ng pagkakabato at halatang sinadya iyong ihagis. Napakagat ako nang mariin sa ibaba kong labi at naglibot ng tingin sa paligid.

"Ikaw, sa'yo ba 'to?" Napatiim bagang ako nang umiling lang iyong lalake na mukhang wala talagang alam sa nangyari. Lumapit naman ako roon sa katabi niya. "Nakita mo ba ang bumato nito?" tanong ko habang pinapakita sa kanya ang bola ng basketball.

"M-Miss, huwag mo ng patulan."

Napalingon ako sa boses na 'yun. Napairap ako nang makita ang nakangiti niyang mukha. Is she happy na binu-bully siya?  She's pathetic.

"Anong huwag patulan? Sinadya kayang ibato 'tong lintek na bola na 'to sa'yo."

Sobrang nakakainis na hindi ko man lang nakita kung saan nanggaling ang bola. Kung nakita ko lang talaga! Sisipain ko sa pagmumukha niya itong bola.

"It's okay, Miss?"

"Miss Montances, my name is Gwen." Napatitig ako sa buo niyang mukha. She's pretty and seems cool. Pero bakit siya binu-bully?  "What's your name? Sasamahan na kita sa SC Office para i-report ang nangyari." Hindi ko magawang kumurap habang sinasabi iyon mga 'yun sa kanya. Her eyes were pulling me in.

"No, hindi na kailangan." Umiling pa siya bago inilahad sa akin ang kanang kamay para makipagkamay. "I'm Honey Coleen Suarez, thank you for helping me."

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon