Chapter 11

203 9 0
                                    

GWEN

"Ikaw ang bumato kay Honey?" hindi makapaniwala kong sabi matapos ko siyang harangin sa paglalakad.

"Sinong Honey?" walang gana nitong tanong at pina-ikot ang bola sa darili niya.

"'Yung taong binato mo ng bola kanina. Bakit ba bigla-bigla ka nalang nambabato, Leah?"

"Hindi ako ang bumato sa babaeng 'yun."

Inirapan ko siya at inagaw ang bolang nilalaro nito. "Ikaw ang kumuha ng bola na 'to rito, ibig sabihin ikaw ang gumawa no'n."

Binigay ko kasi sa SC Officers ang bola tapos hinintay ko rito sa labas kung sino ang kukuha no'n. And unfortunately, si Leah ang nakita ko.

"I told you, I'm not."  Hinatak nito palayo sa kamay ko ang bola ng basketball.

"Huwag mo na kasing itanggi, nahuli na kita, eh." Hindi ko naman siya gagantihan, pagsasabihan ko lang. Pero kung hindi siya 'yun, itutuloy ko talaga ang sinabi kong sisipain ko ang bola sa mukha ng may gawa no'n.

"Okay fine, ako nga," tuluyang pag-amin nito.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Damn you, Delgado. Bakit mo ginawa 'yun?" Kailan pa siya naging bully?

"Huwag mo nga akong murahin. Inutos ko lang 'yun, hindi ako ang may gawa."

"What?"

"You heard me, Gwen."

Napataas ako ng isang kilay. "Bigyan mo ako ng katanggap-tanggap na rason kung bakit mo iyon nagawa, Leah."

"Why would I tell you?"

Aba! Eh, ako kaya 'yung tinamaan no'n.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon