Chapter 45

189 7 0
                                    

COLEEN

I was awakened by the ray of sun that hitting my face. Agad na pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi nang magmulat ako, it was magical, remarkable, and blissful night with her.

Nilingon ko ang magandang babae sa tabi ko just to found out na wala na ito roon.

“Where is she?” I asked myself, not thinking about her leaving me. Bumangon ako sa kama para lang muling mapabalik nang higa. My back hurts like hell! Parang hindi ko kayang tumayo nang walang aalalay.

“Gwen,” I called out softly, hoping na maririnig niya ako mula sa labas ng kuwarto. Pero wala akong nakuhang tugon. Napalabi ako bago pinilit na ibangon ang sarili. Mabagal bago ako nakarating sa banyo para maglinis ng katawan. A wide smile automatically drew my face as soon as I saw my upper figure on the mirror.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi habang pinadadaan ang hintuturo sa mga marka na iniwan ng babaeng mahal ko. “I love how you painted these on my skin, Gwen.” I giggled, recalling what happened last night.

Matapos kong makaligo at magdamit ay lumabas ako ng kuwarto. Pero gano'n na lang ang pagkawala ng ngiti ko nang wala akong nakitang tao sa salas o sa kusina. I'm all alone. She left me alone.

Bumalik ako sa kuwarto para kunin ang cellphone. Tinawagan ko ito pero tumutunog lang iyon na parang sadyang hindi sinasagot. O baka naka-silent ang phone niya? Tiningnan ko ang oras, it was already 9:44am. I bet Gwen was already in her work.

Gano'n na lang ang inisip ko at iniwasan ang mag-isip ng ibang rason kung bakit wala na siya paggising ko. Baka nga nahuli ito ng gising kaya hindi na nag-abala pang magpaalam.

Naupo ako sa kama at niyakap ang unan na ginamit niya. Mabuti nalang at nakapag-ayos na kami ni Caira ng mga gamit bago ako nagkaroon ng bisita. Nakakahiya kay Gwen kung makikitang mukhang tambakan ang tinitirhan ko.

I smile when a very familiar scent filled my nostrils, her sweet smell lingered here in my pillow. Mas lalo ko lang tuloy siyang gustong makita.

My phone suddenly creates a strong vibration that caught my attention. Sinagot ko ang tawag.

“Gwen's currently living in Jean's apartment. I'll send you the address,” agad na bungad ni Leah.

It took me a minute to react. “Nakatira siya kasama si Jean?” mabagal kong sambit, naniniguro.

“Yes, nalaman ko from Jean.” I hear her playful laugh. “Huwag kang magselos, Suarez. Wala naman na si Jean diyan sa apartment niya, and duh, it's not like she's going to take her away from you.”

“I'm not jealous.” Napalatak ako.

Narinig kong natawa ito muli. “Oh c'mon, we both know you are.”

“Whatever, Delgado. Anyway, thanks sa info,” pagpapasalamat ko kahit alam ko naman na kung nasaan si Gwen. Ayoko lang masayang ang effort niya, I know nag-alala rin ito nang sabihin kong umalis 'yong isa.

“Do what you have to do, Suarez. M'kay, bye.” Sabay baba nito sa tawag.

I release a sigh. So she's living with that Jean, huh. As far as I know, iisa lang ang bedroom ang meron sa lahat ng apartment rooms. So it means, natutulog sila sa iisang kama? With their skins brushing against each other? Argh.

Exactly 12 noon when I penned a message to Gwen. 12:30 na pero wala pa rin akong nakuhang reply. Ilang minuto ko na ring tinatawagan ang number niya, it's just ringing.

“Uy girl, okay ka lang?”

Napakurap ako nang ilang beses. A voice snapped me out of my train of thoughts.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon