Chapter 41

163 7 0
                                    

GWEN

“Do you want this, baby?”

Hannie just meowed at me which makes me laugh a little. Pinanggigilan ko ito bago ko siya ibinaba mula sa kitchen counter.

“Okay, wait up.” Inabot ko sa cupboard ang binili kong bagong cat food para sa kaniya.

Matapos ko siyang pakainin, nahiga ako sa sopa at nanood ng palabas sa telebisyon. Medyo na-hook ako sa teleserye ng channel na 'to, ngayon na lang din kasi ako nakanood ng TV. 'Di ko rin akalain na na-miss ko pala manood at maghintay sa sobrang tagal na commercial.

Okupado ang atensyon ko sa pinapanood nang maagaw iyon ng pagtunog ng cellphone na nakapatong sa babasaging lamesa. Hindi huminto ang pag-iingay no'n kaya dinampot ko na.

Coleen's Calling...

Saglit akong napapikit nang mariin bago pinatay ang tawag pero hindi ko pa man ito naipapatong muli sa lamesa ay tumunog na naman ito.

“Ang kulit niya,” tiim-bagang kong sambit bago in-slide sa red button ang tawag nito.

Kung hindi lang talaga malaki ang i-a-adjust ko, nagpalit na ako ng number noon pang nakaraang araw. Pati kasi si Mama ay walang tigil sa pagtawag at pagbigay ng mensahe sa akin. Hindi ko naman siya magawang masagot dahil ayokong magsinungaling o magpalusot sa kaniya. Sigurado naman ako na pinagsabihan na siya ni Papa na kailangan ko muna ng space.

Hindi na ako muling nakasunod sa pinapanood ko dahil hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang cellphone. Inis na dinampot ko iyon at balak na sanang i-power off nang bigla itong tumigil. Isang notification ang nakita kong nakapaskil sa lockscreen.

1 unread message.

Napabuntong-hininga ako at binuksan iyon.

Naghihintay ang Mama mo sa 'yo. Hindi ka ba magpapakita man lang?

Muli kong binasa ang mensahe nito noong Martes.

I already knew the reason why you left. Pero puwede bang bumalik ka na lang para sa mga magulang mo? Nag-aalala sila, lalo na si Mama Grace. Sinabi ko sa kaniya na nagpunta ka lang sa Batangas kasama ang kaibigan mo at babalik ka sa Sunday. I'm sorry if I made a story and lie about it. Forgive me, Gwen.

Muli akong napahinga nang malalim.

May iba pa ba akong pagpipilian?

Dinampot ko ang remote sa tabi ko at pinatay ang TV. Ilang minuto akong nakipagtitigan sa kisame bago dumiretso sa kuwarto at nagpasyang magbihis. I changed my cycling short into black sweatpants, habang hindi ko na pinalitan ang suot kong pang-itaas na white shirt. Nagsuot din ako ng black baseball cap.

Kinarga ko si Hannie at sinuksok ang cellphone ko sa bulsa kasama ng wallet. Then, umalis na ako sa apartment ni Jean.

Yes, I'm living with her now. Sa kaniya ako tumuloy noong umalis ako sa bahay, isang linggo na rin ako ritong naninirahan. We decided to split the bills now that we're sharing the same apartment, pati na rin sa pagkain ay hati kami, para na nga kaming magkapatid na tunay. Pero kung napapansin n'yo, wala rito si Jean, umalis siya kahapon at pumunta sa probinsya nila. May sakit daw kasi ang Lolo niya kaya kailangan niyang bumisita pero uuwi rin siya bukas ng gabi.

Muntikan ko nang malaglag si Hannie dahil nauntog ang tuktok ng ulo ko pagbaba ko sa jeep. Natawa ako sa sarili kong katangahan. Pahamak talaga minsan ang pagsuot ng sumbrero.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon