Chapter 40

174 6 0
                                    

COLEEN

"Sorry kung makalat, 'di pa ako nakakapaglinis eh." Mabilisan nitong inilipat ang mga damit at kumot na nakapatong sa sopa papunta sa loob ng isang kuwarto. "Hindi naman madumi ang mga 'yon, tutupiin nalang." Sabay tawa nito nang mahina bago ako pinaupo sa upuan.

"Ayos lang, Cai. Salamat." Nginitian ko ito.

"Ah wait!" Nagtungo ito papunta sa maliit niyang kusina at may dala ng isang baso ng tubig pagbalik. "Pasensiya na rin kung 'di masyadong malamig ah. Pinapaayos ko pa kasi 'yong ref eh."

"Ayos lang talaga, Caira. 'Wag kang humingi ng pasensiya. Ikaw na nga 'tong hinihingian ko ng favor eh. Dapat ako 'tong mahiya sa 'yo," agap ko at kinuha ang inaabot niyang tubig para inumin.

Mabining pagtawa lamang ang tinugon nito. "Nga pala, iyong kuwarto na sinasabi ko sa 'yo, ganito lang din siya kalaki. Puwede mo siyang i-check mamaya, sinabihan ko na rin 'yong may-ari na pupunta ka ngayon kaya puwede ka nang magbigay ng downpayment if itutuloy mo ang pagkuha ng room."

Tumango ako bago naglibot ng tingin. Medyo magulo lang ang ayos ng apartment niya kaya mukhang maliit tingnan, mula sa puwesto ng mga gamit tapos mga abubot, maraming kailangang alisin at ayusin.

"Puwede kitang tulungang maglinis habang naghihintay," ang naisatinig kong suhestiyon.

"Sure ka?" Napakagat ito sa kuko niya, isa sa napapansin kong mannerisms niya kapag nahihiya. Tumango lang ako habang nakangiti. "Si-Sige."

"Puwede mag-suggest?"

"Sige lang, ano ba 'yon?"

Sa tingin ko hindi naman ako lumalagpas sa linya. Para rin naman 'to sa ikagaganda ng tinitirhan niya. O talagang gumagana na naman ang pagiging perfectionist ko. Hindi bale na nga.

"I think it would be great to change the arrangements of your things. Okay lang ba?"

"Naisip ko nga rin 'yon." Matagal niyang pinagmasdan ang kabuuan ng sala. Tumango-tango ito. "Sige, gawin natin!"

Patapos na kami sa pag-aayos ng bagong puwesto ng dalawang sopa at lamesa nang may kumatok sa pinto. Si Caira ang lumapit doon para tingnan kung sino ang dumating.

"Mrs. Wandsworth, come in," ang tanging narinig ko bago nakita ang kasama nito sa pagpasok. Isang magandang babae ang nakita ko, iyong edad niya, ang hula ko ay kaedad lang ni Mommy. She doesn't look old because of her exceptional beauty. Para itong artista.

Mabuti nalang talaga at nakapaglinis kami, kung hindi, nakakahiya ang maabutan niya kung sakali. I'm not exaggerating, talagang mukhang binagyo ang lugar na 'to kanina.

"Let me guess, you guys just done cleaning."

"Ahuh, exactly!"

Napatango na lamang ako. "Good morning, Mrs. Wandsworth? If I pronounced it correct."

"Yes, and you had an accent ha." Simpleng ngiti ang ginanti ko sa babae. Napangiti rin ito na umabot sa kaniyang mga mata. "You must be the woman who has the interest of the available apartment room. Please follow me," she instructed and I just obeyed.

Sumakay kami ng elevator at huminto sa ika-walong palapag. I forgot, it's a 10th storey apartment building. Kaya rin ako nagkainteres na upahan ito dahil natatanaw ang city kahit na papaano.

The landlady unlocked the room. Napatitig pa ako sa numero ng kuwarto nang susihan niya ito, it's room 802. Pumasok kami sa loob. Unlike to Caira's room na kulay sky-blue, the motif of this room is plain white.

"Let's see the bedroom," aya ng babae bago nilapitan ang pinto at inawang iyon nang malaki. "Tingnan mo ang loob. What can you say?"

Naglibot ako ng tingin. Maluwag siya para sa isang tao. Maganda rin dahil may bintana na sapat lang ang laki para pagmunihan sa gabi.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon