Chapter 20

176 7 0
                                    

LEAH

Naglilibot ako para obserbahan ang ginagawang trabaho ng mga employee namin. Sinisipat ko rin ang ginagawa ng mga ito at pinauulit kapag may mali akong nakikita. They are all accountants, nararapat lang na perfect ang computation at paglilista ng bawat accounts na isinusulat nila. Wala dapat kulang at mawala roon ni piso.

But there was someone who's currently missing here. My eyes can't see a very certain woman na dapat ay naroroon sa table niya.

“Where's Gwen?” pasimple kong tanong nang mahintuan ko ang cubicle ni Jean. No, sa kaniya pala talaga ako pumunta para malaman kung nasaan ang babaeng nawawala ngayon dito. “I mean, where is Miss Montances right now?” I repeated with the proper address.

Mula sa pagdutdot nito sa keyboard ay nag-angat ito ng ulo para makipag-eye to eye sa akin. “She told me na bababa na muna, Miss Leah.”

I raised a brow in confusion. “And why is that? Oras ng trabaho, bakit siya umalis?”

“Uhm.” Kumamot ito sa bandang leeg at nahihiyang sinalubong ang tingin ko. “Tumawag po kasi ang sister-in-law niya, and ang paalam niya ay hinahanap daw siya sa baba.”

Dahan-dahan akong napakunot doon ng noo. What the eff is happening? Nandito si Coleen?

“Bakit daw siya tinawagan?” I asked her again pero nagkibit lang ito ng balikat. Napamura ako sa loob-loob ko. No! Bakit ba nandito ang babaeng 'yon?

Ipapa-ban ko siya sa company!

Nakatago sa dibdib ko ang inis habang tinutungo ang lamesa ng team supervisor. My gosh! This man is the one who was responsible for it! Hindi dapat nito hinahayaan na mayroong lumabas na lang basta.

“Ma'am,” he already noticed me when I stood next to his table. “Ano pong kailangan niyo? May problema po ba?”

Hindi ko alam kung magagalit ako rito o hindi dahil sa lawak ng ngiti na pinapakita nito. I sigh to release my frustration. I should not include him to this issue. Hindi naman siguro nito pinababayaan ang trabaho niya. But the heck! Anong rason ng pagpunta ni Suarez dito at talagang binaba pa siya ng isa?

“What's the supervisor should be doing, Mr. Aquila?” I didn't hide the sarcasm in it. Naiinis ako! Hindi sa kaniya kundi sa pagpayag nito kay Gwen para umalis. Damn. Is that really an important matter?

“M-Miss Leah...”

Before he could speak I already motion my hand to signal him to stop. “Just do your job, Mr. Aquila. Next time huwag kang paupo-upo lang dito. Supervisor must be walking around to supervise every little thing. Move and do your work,” I said in firm and walk away to go back to my office.

Panira talaga ng mood kahit kailan ang Suarez na 'yon. Ang sarap niyang paalisin.

I rested my back on the couch as I start staring at the ceiling. Nawawalan na ako ng gana kumilos. Hays. Ano kayang ginagawa nilang dalawa sa lobby? I am sure na hindi pinapasok si Suarez ng guard dahil nasa protocol iyon ng kumpanya. Outsiders and no appointments is strictly not allowed to enter here.

Tsk. Mabuti nga sa 'yo at nang mainitan ka diyan sa labas. Umitim sana ang balat mo!

Gosh. This is not so me, really. Threatened ba ako sa Coleen na iyon? Ha! Why would I feel that? Hindi na siya girlfriend pero umaarteng jowa minsan. Ang sarap niyang ibalibag talaga.

It makes me wonder kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalamang may kabit ang asawa niya. Ang masaklap pa, best friend niya ang ginawang kabit. Ano kayang gagawin ni Suarez kung sakaling siya pa ang makahuli sa dalawa? But wait. Are they still friends until now? Ngayon tuloy ay iniisip ko na walang alam si Sheila, like she's innocent and standing as a victim too. Kawawang Kuya George, he will surely taste the wrath of those women.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon