Chapter 47

167 7 0
                                    

GWEN

“Sino si Caira sa buhay mo?”

Napatigil ako sa kalagitnaan ng pag-aayos ng kumot nang marinig ko ang boses ni Coleen sa bandang likuran ko. Kunot-noo ko itong nilingon. Katatapos niya lang maligo at nagpapatuyo na ito ng buhok ngayon gamit ang blower.

“An acquaintance.” Umupo ako sa kama at pinanood siya sa ginagawa. “Bakit?”

Kanina ko pa rin napapansin na gusto na talaga nitong magtanong noong makauwi kami at kahit kanina pa noong kumakain kami. Mas pinili niya lang talagang tumahimik at ngayon magtanong.

“Acquaintance?”

“Yes.”

“Hindi kaibigan?”

“We're not friends, Hon.” I gave her a smile when she glance at me. “Si Venus ang kaibigan niya.”

Bumalik ito sa ginagawa niya. “She told me you dated her before. Totoo ba?” malumanay nitong sambit.

Napaawang saglit ang bibig ko sa narinig. Ikinuwento niya talaga 'yon?

“It's true. Pero isang beses lang 'yon nangyari. Actually napilitan lang ako dahil kay Ve---”

”Ang sabi niya rin muntikan kayong maghalikan.”

Napatayo ako bigla. “That... that wasn't a kiss! Well, muntikang mangyari kasi bigla siyang lumingon.” Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang nagpapaliwanag pero kasi... hays, bahala na.

“Okay, I believe you.”

Doon ay nakahinga ako nang maluwag.

“But,” pabitin niyang saad. Sinundan ko lang ng tingin ang galaw niya. “Why did you agree with Venus?”

“Ang sabi niya kasi baka kailangan ko ng makakausap, 'yong hindi ko kilala para maka-encounter ako ng bagong tao sa buhay ko. And she told me that maybe that way, I will learn to live in the reality again. So pumayag ako, also knowing Venus kukulitin ako no'n hanggang sa pumayag ako. So yeah, that's it.”

“Hmm, that's understandable.” Tumango-tango ito bago lumakad papunta sa kama at sumampa. She tap the space beside her. “Come on, let's sleep.”

I stared at her for a moment before following her to bed. “Hon.”

“Hmm?” Her left hand strokes my hair as I was resting my head on her right arm. Patagilid ang higa ko habang nakatihaya naman ito habang kapwa nakukumutan nang kalahati ang aming mga katawan.

Kitang-kita ko ang haba ng pilikmata niya at tangos ng kaniyang ilong. Pinagkatitigan ko iyon nang matagal. “Do you want to go with me?”

“Saan?” Sabay lingon nito sa gawi ko.

“Sa Mindoro.” I smiled at her before reaching for her hand and intertwined it with mine. “Isama natin si Hannie. It would be our first out of town if you agree.”

A smile drew her face. “Baby, I'll go with you anywhere. You don't need to ask.”

Ilang minuto kaming nagtitigan habang nakangiti sa isa't isa. Napapailing ako bago nag-iwas ng tingin dito. How can I stop falling for this woman? She's a total package. Ang hirap niyang hindi mahalin.

“Bakit ka umiiling?” Sabay tawa nito.

“Nothing.”

“Sure?”

I nodded.

“Okay,” she prolonged the word.

“Uhh, Hon.”

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon