Chapter 19

133 10 0
                                    

COLEEN

“Mom, ayokong sumama sa inyo. Dito lang ako, hindi ako aalis,” matigas kong sabi nang abisuhan nila akong lilipad kami palabas ng bansa.

Hindi makapaniwalang napasinghap si Mommy sa sinabi ko. But what shocked me is when she slapped me really hard. Napakurap ako sa sakit at may tumulo kaagad na mainit na likido sa pisngi ko. “Are you out of your mind? Iiwan mo kami ng Daddy mo for the obsession you had with that girl? Seriously, Coleen?” galit na galit na anas nito habang dinuduro ako. “Mas pipiliin mo ang babaeng iyon kaysa sa amin na pamilya mo? Unbelievable!”

Napahikbi ako habang pinagmamasdan ko ang itsura niyang diring-diri sa akin. “I-It was not an obsession, Mom. Mahal ko si Gwen, m-mahal ko siya Mommy. Just like how you love Dad--

“Don't give me that reason! I won't tolerate that kind of love you're saying, Coleen. It's just a phase.”

Umiling-iling ako dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nito. I won't go anywhere, I'll stay here.”

“No. You will go with us and that's final.”

“Not this time, Mom!” I cry out. Hindi ko na hinintay pa ang susunod pang sasabihin niya at tumakbo na ako paakyat sa kuwarto. Si Daddy, hindi siya umiimik at nanonood lang sa amin. He's not even in my side though, wala rin siyang maitutulong sa akin. Wala rin akong mapapala na suporta mula sa kaniya. Siya pa nga ang unang sumampal sa akin nang makauwi kami.

“I am telling you, Coleen. Whether you like it or not, you will go with us!”

Nag-e-echo pa rin ang mga salita ni Mommy sa tainga ko kahit na nakatingin lang ako sa litrato nila ni Dad. It's our family frame, ang kaisa-isang picture naming tatlo together. Kinuha ko ito noong lumayas ako sa bahay. Yes, I run away from them. Hindi naman nila ako hinanap, so I think that's a good thing na rin.

Ang tanga ko lang dahil nakalapag na kami sa California noon bago ko pa naisipang tumakas sa kanila. I tried to contact Gwen that time pero kinuha ni Mommy ang cellphone ko. She even destroyed my sim card para makasiguro siyang hindi na kami makakapag-usap pa. At ang tanga ko rin dahil hindi ko man lang kinabisado ang number ni Gwen for such situation. That time nawalan na ako ng pag-asa na magkakaayos pa kami at maipapaliwanag ko pa sa kaniya ang lahat.

Noong hindi pa kasi kami nakakaalis ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Gwen. Nang tumakas ako para puntahan siya sa kanila ay hindi siya sumang-ayon sa gusto ko. She told me na hindi raw maganda at hindi niya kayang iwan ang pamilya niya para lumayo at sumama sa akin. Nasaktan ako nang mga oras na iyon dahil parang hindi na niya ako gusto pang makasama. With mix emotions ay umuwi ako sa bahay at wala sa sariling pumayag na lang na sumama kina Mommy. Nagising na lang ako kinaumagahan na nasa loob na kami ng eroplano. Pero kahit pala magbago pa ang isip ko ay wala na rin akong magagawa dahil nilagyan nila ng pampatulog ang kinain ko nang gabing iyon.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon