Chapter 27

144 6 1
                                    

GWEN

“Thank you for agreeing with me, Leah.”

Inirapan ako nito pero kalaunan ay ngumiti rin naman. Sandaling tumitig ito sa kalangitan bago muling tumingin sa akin. “I thought your thank you will be sweet as sugar pero mali ako. Akala ko kasi magiging ako naman after ni Coleen, na kaya na kitang maabot kasi tapos ka na sa kaniya. Akala ko magpapasalamat ka kasi naisalba kita. Pero ang sakit palang umasa sa false hope, 'no?”

Hindi ako sumagot. I stayed silent to make her say everything she wants. Ito na iyong pinaka-kailangan niya---first step to move on. Leah needs to let go all the feelings she has for me in a way of telling her emotions face to face.

“Sabi mo kasi nakausad ka na pero alam ko naman na hindi pa rin, na hanggang ngayon ay siya pa rin iyong minamahal mo.” I bit my lip when I heard her sniffed before she continues, “Hindi naman masamang umasa kaya kumapit ako sa pag-asa na ito na iyong chance ko. Kahit na masakit---na palagi kang nananakit sa tuwing lumalabas sa bibig mo iyong pangalan niya---I still stayed by your side, Gwen. Ganoon kita kamahal, eh. Ikaw lang iyong mahal ko buong buhay ko...but it was opposite to you. You love someone else, eh. Hindi ako, at hindi magiging ako kahit na ipilit ko pa.”

“Leah...” Hinapit ko siya palapit at patagilid na yumakap sa waist nito. “Sorry for making you feel this way.”

“Don't say sorry, Gwen. Wala ka namang kasalanan,” she said as she gave a light tap on my shoulder. “It's all my fault to be this fool, pero hindi ako nagsisisi na minahal kita. Kung sa'n ka magiging masaya, doon din ako. Kung sino ang pipiliin mo, doon din ako. And I know that it's only Coleen who can make you happy, hindi kita pipiligan kung siya pa rin kahit iba na iyong mahal ni---”

“Hindi na ako babalik kay Coleen. She already have Kuya George at ang tanging role ko na---”

Huwag kang magsalita nang tapos,” she interjected. “Alam ko kung gaano ka kalambot pagdating sa kaniya, and for sure you'll find the way back to her again. Lalo pa ngayon na magiging magulo na sila.”

“Hindi iyon mangyayari,” mahinang tugon ko na alam ko namang narinig niya. Ito ang kusang nagkalas sa pagkakayapos ko sa katawan niya. She shot me death glare na siyang isinawalang-bahala ko lang.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon