Chapter 44

218 9 4
                                    

TW : Matured Content!

~•~

GWEN

It's my normal day. Gumising ako ng umaga, pumasok sa trabaho, at umuwi nang matamlay. I've been living like this for 17 days now. Wala man lang bago. I'm planning to take my leave this week to put some spice to my life. Baka mag-trekking ako o mag-camping nang mag-isa.

The elevator dinged.

Lumabas ako at tahimik na naglakad papunta sa apartment room. Nasa dulong parte kasi ng floor na 'to ang tinitirhan namin ni Jean. Hindi naman gano'n kalayo mula sa elevator kasi six rooms lang ang meron kada floor, tig-tatlong kuwarto ang madadaanan sa left at right side ng corridor.

Napahinto ako sa paglalakad nang may matapakan akong malambot na bagay. Inangat ko ang kanang paa para tingnan kung ano ang natapakan ko.

Strawberry.

Napakunot ako ng noo nang makita pa ang ibang prutas na nagkalat sa sahig. Para iyong nagsilbing guide papunta sa isang kuwarto gaya sa mga palabas, pero imbis na petals ng rosas ay strawberries at mga ubas ang nandito. Natawa ako nang mahina bago nagpasyang pulutin ang mga ito. Hindi naman siya gano'n karami, mga bilang ko ay mga labing-isa lang naman. Mukhang nabutasan yata ng lalagyan ang may-ari nito.

Bago pa ako makakatok sa kuwarto na nagtuturo na naroon ang may-ari, kusa na iyong bumukas. Nagkagulatan kaming dalawa ng tao mula sa loob.

"Gwen?"

"Wha... What are doing here?" was all that's comes out from my mouth habang takang-taka siyang pinagmamasdan. "Gabi na ah, you should be at home now," I added out of curiosity.

"I'm at home," simple nitong saad bago inabot ang mga hawak kong prutas. "Thank you for picking them up, nabutas kasi 'yong plastic eh. I was about to get them but you already did. Ano palang ginagawa mo rito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"What?" naguguluhan kong tanong.

"I've been searching for you, Gwen. Pero since nandito ka na, come inside." At saka nito binuksan nang malaki ang pinto para igiya ang loob.

"I..." alanganin akong napahakbang nang pasulong. Sa huli ay umatras ako at tumitig sa kaniya. She looked perplexed. "I don't know you live here. I'm just living there, aksidente lang na nagkita tayo." Turo ko sa partikular na pinto sa 'di kalayuan. Napapakurap pa ako sa biglaan ng pangyayari.

"Oh?" Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang mukha. "So all this time pareho lang pala tayo ng apartment building at same floor pa? Then thanks to the fruits, nakita natin ang isa't isa." Hindi na nawala ang saya sa mukha nito.

Ayoko mang basagin ang mood niya pero gulong-gulo talaga ako. "Seriously, Coleen, ba't ka rito nakatira? Lumipat ba kayo ni Kuya George? Kailan pa kayo umalis sa bahay?"

She stared at me amusingly. Hindi ko tuloy matagalan na tumingin sa mga mata nitong tila nagkikislapan. "What about we get inside and let me explain?"

Malalim akong napabuntong-hininga. "Fine."

"Feel at home," ang tangi niyang sinabi nang pumasok ako. She locked the door after we get in.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon