Chapter 25

158 7 0
                                    

LEAH

IT'S BEEN THREE DAYS since Gwen and I fought in the middle of that dark alley. Alam kong sumobra ako sa mga sinabi ko noong gabi na iyon pero hindi ko kaya na humingi ng tawad sa kaniya. Hindi lang naman siya ang nasaktan kung 'di ay ako rin.

Kinaumagahan matapos iyon ay mugto na mga mata ang inabot ko kaya minabuti kong hindi na muna pumasok at manatili na lang sa bahay. Kaysa naman makita ko siya roon tapos mag-iiwasan lang kami, mas masasaktan lang ako. Pero matapos ang buong araw na pagmumukmok ay pumasok din ako sa trabaho kinabukasan.

Pakiramdam ko ay inalis na niya ako sa buhay niya ng mga sandaling magkasagutan kaming dalawa. Sobrang bigat sa dibdib na parang ang dali lang para sa kaniya na alisin na lang ako sa mga plano niya. I am always standing on her side, so why is she excluding me all of a sudden? Para lang ano? Para solohin niya ang problema na in the first place ay hindi naman sa kaniya? Eh, dapat nga si Kuya George ang gumagawa ng paraan para ro'n at hindi siya!

I always want to remind her that she is not the lover anymore. Na wala na sila ng Suarez na iyon dahil kasal na ito sa kapatid niya. At dahil nga okay lang sa kaniya na magpakatanga ay tuloy pa rin siya sa pagsalba ng relasyon ng dalawang iyon. Tsk. Pakialemera rin talaga si Gwen kapag nadadawit ang ex niyang 'yon sa usapan. Nakakainis lang na mayroon pa rin siyang pakialam sa babaeng 'yon matapos siyang iwan!

Nahila ang atensyon ko papunta sa gawi ng pintuan nang bigla iyong bumukas at pumasok si Stacey, ang sekretarya ko.

“Ma'am, dumating po si Ms. Montances.”

Napakurap ako sa narinig.

“Come again, Stacey,” pag-uulit ko rito dahil parang nabingi ako bigla pagkarinig ko sa pangalang iniisip ko pa lang kanina.

“Ms. Montances is outside the room at gusto raw po niya kayong makausap. Papapasukin ko po ba siya, Ma'am Leah?” Stacey repeated politely.

Napahinga ako nang malalim bago nagpasyang itango ang ulo bilang pagsang-ayon. “Please leave us after she get in,” sambit ko bago ito muling lumabas at puntahan si Gwen para papasukin dito sa opisina.

Suddenly, gumapang ang kaba sa dibdib ko. It's Gwen, of course kakabahan talaga ako. Ang sadista kaya noon, but not until that night. The night that I make her cry.

I sigh.

Aaminin ko na kahit nasaktan ako ay pinagsisisihan kong sinigawan ko siya nang gabing 'yon. Ilang beses ko na ba 'yong nagawa sa kaniya? Simula pa noong college, nagagawa ko na siyang pagtaasan ng boses pero naaayos naman namin kaagad ang nagiging away namin. But this one is different. Tatlong araw pa ang lumipas bago kami makakapag-usap ulit.

Or, mag-uusap nga ba kami ngayon para ayusin ang nangyari?

“Don't you dare give me a resignation letter, Gwen!” agad na lumabas sa bibig ko nang makita ko siyang naglalakad palapit sa kinauupuan ko.

Nagtataka naman itong tumingin sa akin. “Anong sinasabi mo, Ms. Leah? Hindi naman ako magre-resign.”

Oh?

I bit my lip to hide the sudden humiliation. “S-So, anong ginagawa mo rito? At bakit 'di ka pumasok kahapon? Alam mo bang puwede kitang tangga--”

“Kinausap ko na si Mr. Aguila tungkol sa pag-absent ko yesterday.”

“A-Ano?” Para akong nabingi ulit sa narinig. Bakit iyong supervisor ang nilapitan niya imbes na ako na tumatayong CFO? “Huwag mo nga akong maputol-putol, I'm still your boss here,” sita ko pa rito.

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon