Chapter 02

414 12 0
                                    

GWEN

"So, kumusta na kayo ni Rona?"

Mabilis na napangiti roon si Venus. Ang lapad talaga nang ngiti nito kapag pinag-uusapan ang girlfriend niya. Hindi ko rin talaga akalaing babaluktot siya eh. Sa magandang mukha at babaeng-babaeng pagkilos nito ay hindi talaga ako makapaniwala noong una niyang inamin na may nililigawan daw siyang babae rin.

She really a strong woman.

"We're okay, sobrang masaya kami pareho."

Ako naman ang napangiti sa sinagot niya. I'm so happy for her. Mabuti pa siya nakatagpo na ng para sa kanya. Eh samantalang ako. Hindi na magawang umasa pa dahil wala na rin iyong hinihintay ko. I'll stay single nalang siguro.

"Kapag nagkikita kami, Gwen. Hindi pa rin nawawala 'yung sparks, nandun pa rin lahat," tila nananaginip niyang sambit at ngumiti muli nang malapad pagkatapos.

"Halata nga, kahit 'di kayo magkasama para ka paring kinukuryente, eh."

Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. "Hindi kasi kuryente 'yun, kinikilig is the right term."

"Oh, eh anong English ng kinikilig?"

Napairap naman siya at sinenyas na kumain nalang ako imbes na magsalita pa. Hindi lang siya makasagot kaya ganito siya, eh.

"Hoity-toity?"

Naningkit ang mga mata ko roon. "Anong hoytitoyti?" hindi ko siguradong bigkas sa salitang sinabi niya. "Talking alien ka na ba, Ven?"

Tumawa pa ako nang malakas bago humigop ng inumin sa baso ko. Hindi ko sana siya gustong asarin dahil nilibre niya nitong kinakain namin ngayon. Ang kaso lang, nakakatawa kasi talaga 'yung pagkakasabi niya.

"Gaga ka, Gwen. S-in-earch ko kaya rito 'yung English ng kinikilig, ayan lumabas!" Tinutok niya pa sa mukha ko ang cellphone niya para ipakita ang hoity-toity na English term daw n‘yon. "Ngayon ka tumawa, sige."

"Okay fine, pakialam ko ba." Inikutan ko siya ng mata. "Basta kinikilig ka, period."

Napairap nalang siya sa akin habang napabalik naman ako sa pagkain. Pero halos mabuga ko ang kinakain ko nang magtanong siya tungkol kay Hannie.

"Ven, sabi ko nga sa'yo pusa 'yun."

"Huwag nga ako, Gwen. Ano, kumusta na nga kayo?" pagpupumilit niya pa.

Napabuntong hininga ako roon. "Her name is Honey not Hannie, ginawa ko lang magkatunog."

"Oh?" tila amused niyang sabi.

Tumango ako. "We're doing okay, nag-uusap namin kami paminsan-minsan."

"Sometimes lang?"

"Yup." Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago muling nagsalita. "May work ako, may work din siya. Malamang hindi kami makakapag-usap nang madalas."

"Eh 'di sad ka niyan, Gwen."

Napataas ang kilay ko sa pasaring niyang iyon. "At bakit ako malulungkot?"

"Kasi hindi kayo nag-uusap?"

"Actually, bago ako umalis nakapag-usap kami." Muli ay sumubo ako ng isang kutsarang kanin. Hindi sumagot si Venus at parang hinihintay akong magsalita ulit kaya nilunok ko na iyon kaagad. "About sa pusa at sa'yo lang naman, Ven. Nothing more."

"Tungkol sa akin?" nagtataka niyang tanong na tinanguan ko lang. "Bakit daw?"

"Tinanong niya kung sino raw ang makakasama ko ngayon, sinabi ko ikaw. Ayun lang."

Can't Be With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon